#3

929 19 0
                                    

Marso, Abril at Mayo,

Bakasyon at summer outing na naman ang uso.

Bakasyon lang sa bahay,

at outing lang sa banyo, hayy buhay.

Summer outing pa ang gusto,

pero sabit lang naman sa tropa.

Tropang lahat may partner na kasama,

kaya ikaw dakilang nakatunganga.

Magmumuni-muni na lang sa tabi

at kausap ang imaginary na katabi.

Mag-eenjoy naman kahit walang jowa,

kaya lang di maiwasan mainggit sa kanila.

Mga kaibigang todo asikaso ng jowa

at ikaw mapapatingin na lang sa kanila.

Hindi naman sa dakilang inggitero't inggitera ka,

kaya lang gusto mo din na makaramdam ng pag-aalaga.

Ilang oras lang naman ang hihintayin

at ang araw na ito'y matatapos din.


***

Ilang bakasyon at summer na ba ang nagdaan? At ikaw pa rin at ikaw na lang ang walang partner sa tropa. Yung tipong may camping, may bonfire, ikaw lang ang walang kayakap at katabi. Yung kapag may inuman, walang aawat at sasalo sayo. 

Hindi ka naiinggit, nagtataka ka, bakit hanggang ngayon wala pang nagtatangka.

Ngunit, kapag may dumating ba, handa ka na rin ba kaya?

Hindi mo alam, dahil dimo pa nararamdaman at nararanasan.

Hindi mo masagot dahil pag dumating yun biglaan, na kahit pinaghandaan mo man, hindi ka sigurado kung yun ay iyong maisasakatuparan.



Buhay SingleWhere stories live. Discover now