#28

164 4 0
                                    

Minsan matamis,

madalas mapait.

Ganyan ako kapag nakikita kita.

Naalala kong single ako,

at hopeless romantic.

Pareho tayong single,

pero ako malaya

ikaw mag-isang umaasa.

Naiinggit man ako 

sa sweetness ng iba,

pero kumpara sayo, 

pinapansin lang 

kapag kailangan ka niya.

Ako alam ko halaga ko,

ikaw hinahayaan mong gamitin

ka ng ibang tao.

Sana kahit papano,

may natira ka pang respeto

diyan sa sarili mo.

Dahil sarili mo lang

ang andiyan kapag

tuluyan ka na niyang 

hindi pinansin.

Sinasabi ko to

dahil concern ako

sa kapwa ko SINGLE.

Buhay SingleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon