#22

189 8 1
                                    

Ang sabi nila,

ako raw ay maganda,

kaaya aya ang mukha,

ngiti ay nakakahalina.

Nakakainlove ang tawa,

matalino't talented pa.

Idagdag pa

   ang pagiging komikera.

Kaya, naku, san ka pa?

Pero sa akin rin ay itinanong,

eh bakit single ka pa rin?

Ang sagot ko naman,

sumobra na ako sa nais ng iba,

at dahil ayaw nila ng sobra,

ayaw din nila ako.

Pero ako'y di nangangamba,

pagkat ako ay nakareserba na.


Buhay SingleWhere stories live. Discover now