#18

204 6 0
                                    

Hindi naman ako naghahangad

ng bonggang partner,

na hihilingin kong

ibigay niya sakin ang buwan

at ang mga bituin.

Kundi makasama lang siyang

humiga sa damuhan

habang pinagmamasdan

ang buwan at mga bituin.

Hindi ko na papangarapin

ang taong handang tawirin

ang dagat at kabundukan.

Ang makasama lang siyang

maligo sa dagat ay makahihigit

sa anupaman.

At sabay naming aakyatin ang kabundukan

upang magandang tanawi'y mapagmasdan.

Simpleng bagay lang

kasama ang  tunay na mahal.


Buhay SingleDonde viven las historias. Descúbrelo ahora