#29

140 3 0
                                    

Ulan ulan ulan

andiyan ka na naman

hindi ka ba napapagod?

o di kaya'y nagsasawa?

Ako kasi sawang sawa na,

sa lahat ng mga pangako niya

na puro napako.

Sandali, antayin mo ako diyan

sasamahan kitang umiyak,

dahil pagod na akong umiyak mag-isa.

Buti na lang andiyan ka,

kasi kung nakapagsasalita lang yung unan ko

sasabihin niyang "tama na, napapagod rin ako".

Salamat ulan, 

sinamahan mo akong umiyak,

kahit paano gumaan pakiramdam ko

dahil bawat patak mo

ay may dulot na kakaibang pampakalma.

Salamat.

Buhay SingleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon