#33

136 4 0
                                    

Kulog at kidlat, salamat

sa pagdamay sa'king nararamdaman.

Dahil katulad ng kulog,

para na akong sasabog...

Sa kilig at tuwa

dahil sa simpleng ngiti niya...

At katulad ng kidlat,

kay bilis akong tinamaan

sa simple niyang pagkindat.

Hayaan na akong maramdaman ito,

dahil walang kasiguraduhan

kung ito'y mauulit pa.

O mas masaklap,

kapag ako'y pinapaasa lang niya.

Buhay SingleWhere stories live. Discover now