#30

166 5 0
                                    

Dear Kaibigan,

Alam kong nasasaktan ka,

andito lang ako makikinig sayo.

Kung gusto mong umiyak,

sige umiyak ka lang sakin,

kahit pa basang basa na ako.

Kung nalulungkot ka,

sige yakapin mo lang ako.

Kung namimiss mo siya,

pwede mong isiping ako siya.

Kung naiinis ka,

sige suntukin mo ako, sapakin

o kahit ano pang gusto mong gawin sakin,

mabawasan lang ang nararamdaman mong inis.

Andito lang ako,

hindi kita iiwan gaya ng ex mo,

hindi kita pababayaan gaya ng mga kaibigan mo.

Andito lang ako ,

kahit na napapansin mo lang ako

kapag nalulungkot, naiinis at nasasaktan ka.

Dahil yan lang naman talaga

ang role ko sa buhay mo.

Sana lang hangga't nagagamit mo pa ako

wag mo muna akong pakawalan.

O kung malapit na akong walang silbi sayo,

sana wag mo rin akong pabayaan.

Kung bibitawan mo man ako,

sana yung walang wala na akong silbi.

Salamat.

Nagmamahal, UNAN....

Buhay SingleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon