#12

283 11 0
                                    

Pagod na ako.

Sawa na ako.

Mga katagang paulit ulit

kong sinasambit.

Pero hindi magawa,

dahil sayo parin ay umaasa.

Umaasang pwede pa,

maaayos pa.

Pero wala na,

wala ka na,

may iba ka na.

Bakit ganun kabilis,

mo nakalimutan

ang sa atin ay nagdaan

at ikaw ay meron ng bago.

Samantalang heto ako,

mag-isang umuusad.

Tanggap ko naman na,

na wala nang tayo.

Hindi ko lang maintindihan

na ang bilis mo kong pinalitan.

Kaya heto ako,

nananatiling single.

Di bale na,

ayaw ko gumamit ng ibang tao

para masabing ikaw ay limot na

netong isipan at puso.

Saka na lang, 

single na kung single,

hihintaying kusang maghilom

ang pusong nasugatan

at mawala sa isipan

ang mga alaalang

kabilang sa nakaraan.

Buhay SingleWhere stories live. Discover now