MYSTERIOUS 5 - First Kiss

24.3K 874 43
                                    

Habang naglalakad si Ronchie papunta ng comfort room ay pipi siyang nagdasal. Sana ay hindi gurang ang mula lumabas cr. Kahit makapal na ang kanyang mukha dahil sa nainom na alak ay hindi parin niya maiwasang kabahan.

Sinalat niya ang kanyang mga labi. "Goodbye, my virgin lips." Nasa gilid na siya ng comfort room, naghihintay ng lalabas.

Napatingin siya sa kanilang mesa, naka-thumbs up sa kanya ang tatlo. Tumango lang siya sa mga ito.

Bumilis ang pintig ng kanyang puso ng makarinig ng yabag papalabas. Ng sa tingin niya ay malapit na, mariin niyang ipinikit ang mata at hinablot kung sino man ang lalake na lumabas mula sa loob.

Dahil siguro dahil sa pagkabigla ay hindi agad nakagalaw ang lalake.

Gamit ang mga kamay ay inapuhap niya ang labi nito. Medyo matangkad ang lalake, kaya kailangan niyang tumingkayad, para mahalikan ito habang nakapikit siya ng mariin.

"Diyos ko, patawarin niyo po ako."

Hihiwalay na sana siya ng hapitin siya ng lalake sa bewang. Napaawang ang kanyang mga labi sa gulat na siya namang sinamantala nito para ipasok ang dila.

Ronchie doesn't know how to respond, napasinghap siya at nataranta.

"Move your lips."

Natigilan siya at nagtayuan ang lahat ng balahibo niya sa katawan ng marinig ang pamilyar na tinig.

Nainip ang lalake kaya ng hindi siya sumunod ay kinagat nito ang kanyang pang-ibabang labi.

Ronchie gasped at napakapit ng mahigpit sa matipunong balikat nito. Ng magsimula ulit gumalaw ang mga labi nito. He inserted his tongue and kiss her passionately. Hindi tuloy niya napigilang mapaungol.

Gustong-gusto ng imulat ni Ronchie ang mata para tignan kung sino ang lalake ngunit ayaw sumunod ng mga mata niya. Sa halip ay mas mariin siyang napapikit sa sarap ng paghalik nito.

Humihingal na habol niya ang paghinga ng tigilan ng lalake ang labi niya.

"Sa susunod na manghahalik ka, make sure na marunong ka na ma'am." He whispered in her ear, bago tuluyang lumayo.

Napamulat si Ronchie ng mata, ngunit huli na, dahil ang matipunong likod nalang nito ang nakita niya.

Napakurap kurap siya, "Quen?" Sana lang ay mali siya. Paano nalang niya haharapin ang guard bukas?

Wala sa sariling hawak ang kanyang mga labi na bumalik sa kanilang mesa.

" That was hot, ma'am Ronchie!" Tili ni Mary Grace, kinikilig na nakapatong ang dalawang palad sa mga pisngi.

Tumayo at hindi makapaniwalang napahawak si Rhomz sa balikat niya. "Masarap ba? Nakakainggit, sana all. "

"Kinabog mo kaming lahat, loka ka." Rejvien.

Dahil sa panginginig ng tuhod, hindi na kayang suportahan ni Ronchie ang tayo kaya napaupo siya.

Hawak parin niya ang mga labi, si Quen ba yun? Nanlaki ang kanyang mga mata. "Imposible." Bakit pa kasi may papikit-pikit pa siyang nalalaman?

"Ang sarap!" Hindi niya namalayang tili.

Humalakhak sina Rhomz, Rejvien at Mary Grace.

Itinaas niya ang dalawang kamay sa ere. "Thank papa G, may first kiss na ako!"

Nagtinginan ang mga tao sa kanilang mesa dahil sa kanyang pagsigaw.

Nakatanggap si Ronchie ng kurot sa tagiliran galing kay Rhomz. Kay Mary Grace naman ay hampas.

Sinamaan siya ng tingin ni Rejvien. "Huwag mo namang ipahalata na virgin ka pa."

***

Naalimpungatan si Ronchie sa pagyugyog sa kanyang balikat. "Ano ba!" Gusto pa niyang matulog.

"Aba---t anong ano ba? May plano ka bang pumasok? Tangahali na!" Litanya ng nanay niya habang hinihila siya patayo.

Ginulo niya ang buhok, "nay, dahan-dahan naman. Ang sakit ng ulo ko." Nakapikit pa siya habang nagsasalita.

Hinampas siya ng kanyang nanay. "Madaling araw ka ba namang umuwi, paano hindi sasakit ang ulo mo?"

"Aray. nay naman, ang aga-aga pa, patulugin mo naman po ako, kahit five minutes lang."

"Alas siyete na!"

Naudlot ang kanyang planong muling pagtulog. Kahit masakit ang ulo dahil sa hang over, idagdag pang kulang ang tulog. Mabilis siyang bumangon. "Nay, bakit ngayon mo lang sinabi?" Napatakbo siya papunta sa banyo at nagkukumahog na naligo

***

Imbes na maglakad dahil malapit lang ang eskuwelahang pinapasukan, pumara nalang siya ng tricycle. Baka bumulagta siya sa daan, dahil parang binabarena sa sakit ang ulo niya.

"Magandang umaga ma'am." Maluwang ang ngiting bati ni Joseph.

Anak ng juice naman oh, sa dami ng tricycle, ang makulit na manliligaw pa ang napara niya. Tinanguan lang niya ito, wala siya sa mood na magsalita.

Wala pang limang minuto ay nasa harap na siya ng eskuwelahan. "bayad ko."

Umiling ang lalake, "Libre na ma'am, basta ikaw."

Wala na siyang panahong makipag debate sa lalake. Dahil hahaba pa ang usapan nila. "Salamat."

Sapo ang noong naglakad siya papasok. Tango lang ang isinasagot niya sa bawat pagbati ng estudyanteng nadadaan niya.

Napatuwid siya ng lakad ng makatapat kay Quen. Bumilis ang tahip ng kanyang dibdib ng mapagmasdan ang mukha nito. Lalo na ng dumako ang mga mata niya sa labi ng gwapong guard.

Kahit hindi pa siya sigurado kung ito nga ang lalaking hinalikan niya kagabi ay nais na niyang lumubog sa kahihiyan.

"Good morning."

Inalis niya Ronchie ang palad sa noo. "Morning," tipid na bati niya. Pilit na pinakaswal ang boses.

Nakahinga siya ng maluwag ng malagpasan si Quen. Ngunit may biglang humawak sa kanyang braso.

"Wait,"

Nanlaki ang kanyang mga mata ng makitang si Quen iyon.

"Take this," iniabot nito sa kanya ang isang boteng mineral water na may kasamang gamot.

"For your hangover, mukhang naparami ka kasi ng inom kagabi."

Nakataas ang sulok ng mga labing sabi nitp sa kanya.

Namula ang kanyang mga pisngi. Paano nito--, napaawang ang kanyang mga labi.

Hinablot niya ang bote ng mineral water at gamot sa kamay nito at tumalikod.

"I'll teach you how to kiss properly, next time."

Namanhid ang katawan ni Ronchie sa narinig. sa narinig. Confirm, ito nga ang lalake kagabi.

"O no, hindi pwedeeeeeeee."


Quen Hades: The Mysterious LoverWhere stories live. Discover now