Pusa

23.3K 662 29
                                    

Napaungol si Ronchie ng magising siyang nanakit ang kanyang buong katawan. Nakapagtaka sa kabila ng pakiramdam na parang nabugbog siya she felt so alive.

Itinataas niya ang kanyang mga kamay at nag inat. Napangiwi siya ng makaramdam ng kirot sa pagitan ng kanyang mga hita.

Anyaree? Habang tulog ba siya may guma---

Nanlaki ang kanyang mga mata ng maalala ang panaginip. Isang nakakapagod at napakasarap na panaginip. 

Agad niyang sinuri ang sarili. May damit naman siya at nakapantulog imposib--. Umawang ang kanyang mga labi. Sa pagkakatanda niya naka uniform pa siya ng makatulog siya paanong??

Inikot niya ang paningin sa kabuuan ng kanyang kwarto.

Uminit ang kanyang mga pisngi ng mahagip ng kanyang mga mata ang mesa sa gilid. Maayos na nakasalansan ang ang kanyang mga libro ngunit ang malinaw na malinaw ang tagpo sa kanyang balintataw.

Did they really do it there?

Or panaginip lang ang lahat?

Kagat labing muli niyang pinakiramdaman ang gitna ng kanyang mga hita. She was deliciously sore down there! Pero--- paanong???

Napakislot siya ng makarinig ng sunod sunod na katok.

"Babaita gising na! Tanghali naaaaa!"

Napangiwi siya may balak atang manahin ng kapatid niya ang pagiging alarm clock ng nanay niya. Tumayo siya at binuksan ang pinto. Bumungad sa kanya ang naiinip na mukha ng kapatid. 

"Napuyat ka din ba kagabi? Bw*s*t na mga pusa yung mga yun! Kung makapaglandian" inis na inis na saad ni Rochelle.

Kumunot ang noo ni Ronchie "Pusa?" hindi niya magets ang sinasabi ng kapatid.

"Hindi mo ba narinig? kung makahalinghing wagas!"

Napamulagat si Ronchie at biglang uminit ang mga pisngi. di yata at--- tumikhim siya para tanggalin ang bara sa lalamunan.  "wa--- uhmm wala naman akong narinig" gusto niyang batukan ang sarili ng halos masamid siya habang nagsasalita.

Naimagine niya ang mga pusang nagliligawan tuwing gabi kulang nalang ay lumabas siya at pagbabatuhin ang mga ito sa ingay. Para itong mga batang umiiyak o kaya ay humahalingling.

Gusto niyang ilubog ang sarili sa sahig. 

Ganun ba siya kaingay?

Natigilan siya teka--- kung totoo ang mga nangyari kagabi at hindi panaginip paano nakapasok si Quen sa bahay?

Wala sa sariling naglakad siya patungo  sa bintanang bahagyang nakaawang. Tuluyan niya itong binuksan at tumingin sa baba. Isang ordinaryong up and down ang bahay nila nasa taas ang kanyang kwarto. 

Imposibleng inakyat nito ang bintana?

Ni wala man lang itong makakapitan. 

"Anong minumuni muni mo diyan babaita? Bumaba ka na mapapanis na yung almusal mo doon!"

Naputol ang kanyang pag iisip ng marinig ang kapatid. Napahilot siya sa sentido ng biglang kumirot ang kanyang ulo. Hindi na niya alam ang totoo sa hindi.

***

Napatigil sa paglalakad si Thea ng matanaw ang mga lalakeng nagkumpulan sa kanilang hardin habang nagkakape. Pinangungunahan ito ng asawa niyang si Zion at may pilyong ngiting nakapaskil sa mga labi.

Napataas ang kanyang kilay, tila may kalokohan na namang ginawa ang ito. Magaan ang mga hakbang na nagtago siya sa malagong halaman.

Mayabang  na iniliyad ni Zion ang dibdib "Sabi ko naman kasi sayo Iho, Ikaw lang eh napakakupad mong kumilos, parang hindi ka Sarmiento."

Quen Hades: The Mysterious LoverWhere stories live. Discover now