For the last time

21K 583 28
                                    

"D*mn Pare let go of me! Nababakla ka na ba?" pilit tinatanggal ni Quen ang mga kamay ni Macky na nakaagapay sa dito. 

Natawa si Macky sa kaibigan "Teana mo Pre! Pero I love you dati pa!" sakay nito sa kaibigang pasuray suray dahil sa kalasingan. Dahil sa pag iwas ni Quen sa pag alalay niya ay nabunggo nito ang waiter at natapon ang alak sa isang grupo ng customer. Malulutong na mura ang nanggaling sa mga ito kalabay ng tunog ng pagkabasag ng mga bote sa sahig.

Tumayo ang lalakeng parang basang sisiw na naligo sa alak. Hindi tuloy maiwasang palihim na matawa si Macky. 

Hinarap nito si Quen at tinulak.

"F*ck look what you've done!" galit na galit na sigaw nito.

"What have I done?" Painosente ngunit nakakalokong saad ni Quen. Doon na tuluyang natawa si Macky. Excitement runs through his blood. Matagal ng wala silang aksyon. Kinakalawang na ata ang mga kamao niya. Hindi naman siya nag aalala kay Quen kahit lasing ito ay alam niyang kayang kaya nitong makipagbagbakan. Kung ako sa mga lalakeng ito ngayon palang ay dapat ay tumatakbo na ang mga ito palayo.

"Aba! Gago to ah!" umusok ang ilong ng lalake sa inis. Sinenyasan nito ang mga kasama. Nagtunugan ang mga upuan ng magtayuan ang mga ito

Quen eyes darken and smirked dangerously. This is it! Natatawang saad ni Macky sa sarili. 

"Sinong tinawag mong gago? Ako?" kalmado ngunit mapanganib na saad ni Quen.

Tumawa ng maagas ang lalake "Sino pa bang kausap ko? Oo ikaw nga! Bakit may angal ka?" mayabang pa itong tumingin sa mga kasama nitong nagtawan.

Tinuro ni Quen ang sarili "Ako? aangal? Hindi ah!" ngumisi ito at tinignan isa isa ang mga kasama ng lalake. "Takot ko lang sayo at sa mga unggoy na kagaya niyo"

"T*ng Ina!" galit na inambahan nito ng suntok si Quen na kahit pasuray suray ay agad na nakaiwas.

"Woah! this is getting more exciting" saad ni Macky na nakangising nanood lang sa mga ito. Lumapit ang mga bouncer at akmang aawatin nito sila Quen ngunit sumenyas si Macky sa mga ito.  He owns Pegasus pero ang mga staff lang niya at mga kaibigan ang nakakaalam. Like Quen he also value his privacy and have his mysterious side. Kaya nga magkasundo sila nito. 

Dahil gwapo siya lapitin na siya ng mga babae paano kapag nalaman pa ng mga itong pagmamay-ari niya ang bar na ito? Baka mas maging clingy pa ang mga girls sa kanya. He doesn't want commitment. He like being free, flings here and there. Pero itong kaibigan niya mukhang nadali na. Inutusan niya ang mga itong palabasin ang mga tao sa bar. Nagkamot ng ulo ang mga bouncer ngunit nagsisunuran din sa sinabi niya.

"Bulag ka ba? Bakit hindi mo ako matamaan?" sinundan pa ito ng nakakainsultong ngiti ni Quen. "Teka! Sigurado kayo? Kayo lang? Magtawag pa kayo ng kasama niyo" pinalibutan na kasi ito ng mga lalake pitong lalake kasama na dito ang nabuhusan ng alak.

"Akala mo kung sino ka! Kaya mo ba kami? Gusto mo talagang mabanatan!" anang isang lalake at pinatunong pa nito ang mga kamao.

"Mga tol ang yabang! Ikaw kaya ang magtawag ng kasama mo, baka ito na ang huling sandaling masilayan nilang may hininga ka" gigil na gigil na saad ng isa.

Doon na hindi nakatiis si Macky hindi dahil sa dehado si Quen kundi dahil nayayabangan siya sa mga ito. "Ako pwede bang makisali?" tinaas pa niya ang kamay. "Dalawa laban sa pito? Hindi na kayo dehado nun"

"Sigurado ka?" tinignan siya mula ulo hanggang paa ng isa "pwede ka pang umatras, ito lang naman ang may atraso sa amin" tukoy nito kay Quen na kampanteng nakapikit habang nakasandal sa pader.

Umiling si Macky "Kayo ba walang balak umatras?"

"Tol mayabang din ang isang to!" pumwesto ang isa sa kanyang harap at sagsinuran ang dalawa. Tatlo sa kanya, apat kay Quen? Pwede na.

Nagmulat ng mga mata si Quen at sumenyas kay Macky "Tsk ang dami pang satsat para kayong mga bakla!" Nagpakawala ito ng suntok at inunahan na nito ang lalakeng nasa harap. uSumadsad ang lalake sa upuan. 

Ganun din ang ginawa ni Macky. Maya maya pa ay nagtalsikan na ang mga upuan, ingay ng mga boteng nagsi basagan. Rinig din ang tunog malulutong na suntok na pinapakawalan nina Macky at Quen.

"T*ng Ina mo! Huwag ang gwapo kong mukha!" galit na sigaw ni Macky ng dumapo ang suntok ng isa sa panga nito. 

Dahil lasing hindi agad nasangga ni Quen ang sipa ng isa sa mga ito kaya sumadsad ito sa mesa. "D*mn pasalamat ka nakainom ako!" ng makatayo siya ay bumawi siya ng isang pamatay na sipa. Tumalsik ang lalake sa counter.

"Pare bayaran mo bukas ang mga nabasag mo!" sigaw ni Macky dito habang sinusuntok ang isa.

Hanggang si Macky at si Quen nalang ang nakatayo. Siniguro naman ng dalawa na hindi nila tinuluyan ang mga ito. 

Nag warm up lang kaya sila. 

Sinenyasan ni Macky ang mga bouncer na nasa pinto at pinalapit ang mga ito. 

"Ilabas niyo ang mga yan, tumawag kayo ng taxi at ibilin na dalhin sila sa ospital" dumukot ito sa bulsa at naglalabas ng ilang libo. "Pamasahe nila, bigyan niyo na din ng tip ang driver" tumalima naman ang mga ito.

Iginala ni Macky ang paningin at napakamot ng ulo. Parang dinaanan ng bagyo ang kanyang bar. "Hanep pare nalugi ako ngayong gabi" 

Humalakhak si Quen at inakbayan si Macky "Akala ko ba pare mahal mo ako?"

Tila nandidiring tinanggal ni Macky ang kamay ni Quen sa balikat "Teana pare! Alam kong hindi ako ang mahal mo"

Nawala ang ngiti ni Quen sa mga labi at sumeryoso ang mukha nito. "Uuwi na ako send me your account number" tumalikod ito at naglakad na palabas ng kanyang bar.

Macky just shrugged his shoulders at pinagmasdan ang kaibigan. Kaya ayaw niyang ma inlove eh nakawala ng sarili. Pinapasok na niya ang kanyang mga staff at inutusang linisin ang mga kalat nila. 

***

Imbes na dumiretso sa bahay ay natagpuan ni Quen ang sariling nakatayo sa labas ng gate nila Ronchie. 

Nilabas niya ang cellphone sa bulsa, he dialed Ronchie's number.

For this night , pagbibigyan niya ang sarili.

For the last time...

****

Waaahhhh! Guys imiissshhuuuuuu all!

Sorry kung matagal ang UD, nag Doras si author.

At ngayon lang gumana ang utak ko.. hihi

Sa mga nainip sa pag aantay isang power huggggg para sa inyo. 

Huwag ng magtampo guys alam na.. Multi-tasking ang peg ko

Sa work huh, hindi sa---- alam niyo na... 

Napakainosente ko kaya hihi

Mwahhhh!

Shy____


Quen Hades: The Mysterious LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon