Two Solid Blows!

22.4K 666 76
                                    

Paglabas nila Ap sa comfort room ay tatalilis na sana sila ni Jenna paalis ng Pegasus para hindi sila mapansin ni Quen. Ngunit napatda sila ng mahagip ng kanilang paningin ang babaeng naghahanap kanina sa pinsan nilang si Quen.

Parang may sariling isip ang kanilang mga paa at sinundan ito. Ilang dipa ang lang ang nilagay nilang distansya  para marinig nila Jenna ang pag uusap ng mga ito. Quen was preoccupied kaya malamang hindi sila mararamdam nito.

Napakunot ang noo ni Ap, Sinong Siya ba ang tinutukoy ng babae?

Tatahitahimik ang pinsan, playboy naman pala!  

Napabaling siya kay Jenna ng makaramdam siya ng kalabit mula dito. "That was me" bulong ni Jenna. Habang nakaturo sa sarili. 

Oo nga pala si Jenna ang nakakita sa kay Kuya Quen. Tsk! mukhang napagkamalan nitong may relasyon ang mga ito .

 Mga babae talaga minsan tamang hinala! 

"How can I love the daughter of the person who killed my parents?"  

Napanting ang kanyang pandinig ng marinig ang mga katagang yun mula sa pinsang si Quen. Hindi mapigilan ni Ap ang masaktan at maawa para sa babae. Alam niya kung gaano ito kasakit dahil pinagdaan din niya ito, sila ni Jenna. Hindi naman yata tamang saktan nito ng ganun ang babae. 

Their cousin needs to wake up!

Baka ito din ang magsisi sa huli. 

Kung ang pinsan niyang si Thor ay torpe, ito naman denial King. The way he kissed the woman a while ago was enough proof that he has something towards her.  

Tumulo ang masaganang luha sa mata ng babae. D*mn that bastard! Gusto na niyang tawagan ang Ina para bigyan ng leksyon ang pinsan but she tried her best stopped herself. Hindi tamang magpadalos dalos, it may worsen the situation. 

Nangati  ang kanyang kamao, gustong manapak ng denial king!

Pagkaalis na pagkaalis ng babae hindi na nakapagpigil si Ap sa inis kay Quen. 

Simbilis ng kidlat siyang lumapit sa pinsan at walang pasintabing inundayan ito ng suntok sa panga. Binigay niya lahat ng lakas niya para siguradong magising ang pinsan sa kabaliwan. "Hindi ka ganyan pinalaki nila Mama at Papa kuya!!!" Puno ng hinanakit na sungbat niya dito. "How dare you hurt that poor woman's feeling?" nag aapoy ang mga matang wika ni Ap sa pinsang si Quen. 

Nayanig ang mundo ni Quen ng may dumapong kamao sa kanyang mukha. Napasadsad siya sa mesa. D*mn that was a solid blow!  Maybe his senses are getting rusty! Ni hindi niya naramdaman ang paglapit ng kung sino mang poncho pilatong nanuntok sa kanya. 

He smiled acidly ng marinig ang boses ng sumuntok sa kanya. He deserved that punch right now!

Dahan dahan siyang nag angat ng mukha. He met two pairs of of eyes raging with anger. 

Tumayo siya  "Woaahhh.. you really know how to punch hard Ap!" pinahid ni Quen ang dugo sa gilid ng labi. "Don't meddle with my business girls" mahinahong hayag niya sa mga ito. Kahit alam niyang hindi siya papakinggan ng mga ito. Ipinaglihi ba naman ang dalawang ito sa tigas ng ulo. 

Jenna sarcastically smiled  "Then what? " She raised her brows  "Watch you ruin yourself kuya?"

He smile bitterly... Too late Storm I'm already ruined!

Ap hissed annoyingly "Let's go Jenna! There's no use talking to him right now! He needs to get his sanity back first!" mariing wika ni Ap

"Do you think another punch will do?" merong mapanganib at pilyang ngising naglalaro sa mga labi ni Jenna.

Quen Hades: The Mysterious LoverWhere stories live. Discover now