You're safe now

24.1K 756 42
                                    

Nanatiling nakanganga si Ronchie habang pinapanood niya ang magpipinsan kaya hindi niya namalayan ang paglapit sa kanya ng isang lalake.

"UHhmmmmmppppp!" Nabitawan niya ang mga baril na pinahawak sa kanya bumagsak ang mga ito sa lupa. "Hmmmm---p!" Nagpumiglas siya pilit niyang tinatanggal ang nakakasukang amoy ng kamay na nakatakip sa kanyang bibig "Que- uhmmmmpppp!"

"Tahimik!" yumuko ito habang nakatakip sa kanyang bibig kinuha nito ang baril. Napapikit siya ng mariin ng tinutok nito sa kanya ang baril. 

Quen! Tili ni Ronchie  sa isip.

Please tumingin ka dito! 

Please!

Nanlalabo na ang kanyang mga mata dahil sa luhang nagsimulang bumalong mula dito.

Tila narinig naman nito ang sigaw niya dahil biglang napatingin sa gawi niya si Quen ng bumagsak ang kahuli hulihaang nakatayo sa mga kalalakihan. Kitang kita niya  ang pag igting ng mga bagang nito ng makitang nakatutok sa kanya ang baril. 

Humalakhak ang Tatay ni Jhen "Anoooo? Asan tapang mo ngayon?" sigaw nito 

"Uhmm---pp!" idiniin nito ang baril sa kanyang sentido. Napasinghap siya ng bitawan nito ang bibig niya at ilipat ang kamay nito sa kanyang leeg.

Biglang sinuntok ng kaba ang puso ni Quen ng makitang nakatutok ang baril sa sentido ni Ronchie.  

"D*mn! Don't hurt her!"  

D*mn! D*mn! D*mn! 

Paulit ulit niyang mura ng makitang umagos ang luha sa mga mata ng dalaga. Parang piniga ang puso niya when he saw fear written all over her face. 

"Bro! Stay calm" rinig niyang sabi ni Thor ng mapansin nitong naglabasan na ang ugat sa kanyang kamay dahil sa pagkakakuyom. Thor knew his anger was about to burst.

Muling napamura si Quen 

D*mn How can I stay calm? Ronchie is in danger! Gusto niyang isigaw sa pinsan ngunit nanatili siyang tahimik. He knew it won't help.

Nang magtama ang mga mata nila ng pinsang si Zeus alam na niya agad na may pinaplano ito. He nod at Zeus bilang pasasalamat. Seeing Ronchie with a gun on her head, his mind couldn't work properly. He'll let Zeus take over, may tiwala siya sa pinsan. 

Tumingin ng makahulugan si Zeus kay Ap at Jenna at sinenyasan ang dalawang babae. Nakuha naman ni Ap at Jenna ang ibig sabihin nito. 

"Kuya parang awa mo na... huwag mo siyang sasaktan" pagmamakaawa ni Jenna dito. They need to get the attention of that man para makalapit sila Quen dito.

Kinagat ni Ap ang labi para pigilan ang ngiting nais kumawala mula dito. Bakit kaya hindi nalang nag artista ang pinsan? May pakagat kagat pa ito ng labing nalalaman, kung hindi mo kilala si Jenna malamang madadala ka sa acting nito. 

Ma challenge nga! hihihi

Tumikhim si Ap at pilit na pinaseryoso ang mukha. This isn't the right time to praise Jenna on her acting skills. Nasa panganib ang magiging hipag nila. Pinalaki niya ang kanyang mga mata at hindi kumurap ng ilang segundo. Saka lang siya kumurap kurap ng maramdamang malapit ng tumulo ang kanyang luha "Kuya kung gusto mo, ako nalang kapalit niya" nagsimulang lumakad si Ap palapit dito.

 "Tigil!" sikmat ng lalake.Napatigil sa paghakbang si Ap "Subukan niyong lumapit at ipuputok ko to!" Muli nitong diniinan ang pagtutok ng baril sa ulo ni Ronchie.

Habang na kay Ap at Jenna ang atensyon ng lalake ay nagtanguan naman sina Quen, Thor at Zeus. Pumwesto sa magkabilang gilid sina Thor at Zeus at naghanap ng pwedeng madaanan para makapunta ang mga ito sa likuran ng lalake ng hindi nito nalalaman. Tantyado ang bawat galaw,  walang ingay na umakyat sa bubong si Thor samantalang sa pader naman si Zeus. 

Quen Hades: The Mysterious LoverWhere stories live. Discover now