Ano to?

21.2K 647 33
                                    

"You know, the smallest thing can change your life.

In a blink of an eye, something happen by chance,

when you least expect it, sets you on a course that you never planned,

into a future you never imagined.

Where will it take you?

That's the journey of our lives.

Our search for the light.

But sometimes, finding the life means you must pass through the deepest darkness"

- Logan, The Lucky One


Tinapik ng tatlong beses ni Ronchie ang pisngi.

Kung ano anung iniisip mo! saway niya sa sarili bago itinuloy ang paglalakad. Tanaw na niya ang labasan ng biglang may humintong motor sa harap niya.

Bigla siyang kinabahan. Juskooo! Pano kung mapagkamalan siyang adik? Madami pa naman siyang nababalitaan at napapanood na namamatay ngayon. Pipi siyang nagdasal Huwag naman po virgin pa ako!

Bumilang siya ng tatlo sa isip. At inihanda ang sarili sa pagtakbo ng tanggalin nito ang helmet na suot. 

"Gusto mong sumabay?"

Muntik ng matumba si Ronchie ng masilayan ang mukha nito. Kani- kaninay nasa isip lang niya ang binata pero ngayon nasa harap na niya ito.

Sasabay? gora kahit saan pa!  tili ng isip niya. Teacher siya kaya iniiwasan niya magmura, hindi magandang ehemplo sa mga bata pero Juskooo! gusto niyang magmura ng paulit ulit dahil sa kagwapuhan nito. Magmula sa buhok nitong bahagyang nagulo dahil sa pagkakatanggal nito ng helmet, sa mga mata nitong malalalim at misteryoso, ang perektong pagkakahugis ng matangos nitong ilong. And those kissable lips? juskoooo pak na pak! Pang gusto tuloy niyang ipagmalaki sa buong mundo na natikman niya ito. 

 Hindi namalayan ni Ronchie na nakatulala na naman siya sa harap nito.

"Ano sasabay ka ba?" untag nito.  

"ahh?" agad niyang naisara ang nakaawang na labi. Umiling siya "hindi na! salamat nalang malapit naman na ang sakayan, sa palengke lang naman ako" pakipot niya. Pero sa totoo kang gustong gusto na niyang sumampa.

"Sakay" minuwestra ni Quen ang ulo nito.

"huh?" nawawala siya sa sarili kapag natitigan ang mukha ng binata

Ikiniling nito ang ulo at nawawalan ng pasensyang umalis ito sa motor. Nanlaki ang mga mata niya ng hilain siya nito pagkatapos ay parang batang isinampa sa likurang bahagi ng motor.

"There!" He gave her his signature smirk pagkatapos ay sumampa na din ito. "Papunta din naman ako ng palengke. May gusto akong kainin for dinner" saad nito bago isinuot muli ang helmet.

Napahiyaw at napayakap ng mahigpit dito siya ng walang pasintabi nitong paharurutin ang motorsiklo nito.

Mariin siyang napapikit habang nakadikit ang pisngi sa malapad nitong likod. Nanuot sa ilong niya ang panlalaking amoy nito. Hindi tuloy niya mapigilan ang sariling singhutin ito. Amfufu ambango!  

***

Quen eyes widen when he felt warms hands hugging his waist especially those soft flesh na nakadikit sa likod niya. Napahigpit ang hawak niya sa manibela. Napamura siya when he felt a part of him twitched!

D*mn! 

Wala naman talaga siyang bibilhin sa palengke, narinig lang niya ang pag uusap ng mag kapatid. Kailangan na niyang kumilos sa lalong madaling panahon before his Tito Zion find out. Magtataka ang mga ito kapag matagal siyang nawala sa Olympus.

He was relieved that Aphrodite and Storm we're already married. Dahil kung hindi tiyak na isang araw palang siyang mawawala ay mangungulit na ang mga ito. Tumaas ang sulok ng kanyang mga maalala ang mga pilyang mukha ng mga ito. Good luck to their husbands. They shouldn't tied the knot with a Sarmiento Woman. 

They look delicate and vulnerable but don't make them mad! Especially his Tita Thea. Even the Tiger of their family bows and they all turn into a sheep when she is mad.

Binilisan pa niya ang pagpapatakbo ng mapasigaw ulit ang dalaga at napa yapos ng mas mahigpit sa kanya.

Quen naughtily grinned. Why not take advantage a little?

Pagkalipas ng sampung minuto ay narating na nila ang palengke.

Ilang segundo na magmula ng makapag park but she was still comfortably snuggled on his back. 

Did she fell asleep?

He admits he likes her warmth but not in this place. His eyes roamed around the place pinagtitinginan na sila ng mga tao. 

Tinanggal niya ang helmet "We're here!" ng hindi ito kumilos ay marahan niyang tinapik ang kamay nito "Andito na tayo!"

"Hah?" tila wala sa sariling tanong ni Ronchie. Mabilis nitong tinanggal ang mga kamay sa kanyang bewang at bumaba sa kanyang motorsiklo.

Kahit nakatungo itong humarap sa kanya hindi parin nakalagpas sa kanyang mga mata ang pamumula ng pisngi nito. Palihim na tumaas ang dulo ng kanyang mga labi. 

"Sa-- uhmm salamat" she said stammering! "Si-- sige!" tumalikod ito sa kanya at nagsimulang maglakad. Hindi pa ito nakakalayo ng bigla niyang higitin ang braso ng dalaga.

"Bakit?" nanlalaki ang matang saad nito.

"I'll go with you!" pinal niyang wika sa dalaga

"Hah? Pe---"

"Tara!" aya niya dito at hindi na ito binigyan ng pagkakataong tumutol.

***

halos lumabas ang mga eyeballs ni Ronchie habang hindi makapaniwalang sinusundan ng tingin ang binatang nauna na sa kanya sa pagpasok sa palengke.

Halusinasyon lang ba niya ang nangyayari? 

Tinapik tapik niya ang pinsgi baka sakaling magising siya.

Huminto ito sa may di kalayuan at bumaling sa kanya "Ginagawa mo diyan? Tara na!" 

Kinurap kurap ni Ronchie ang mga mata. Naiinip nitong itinaas ang kilay kaya wala siyang nagawa kundi tuluyang ihakbang ang mga paa palapit dito.

Bawat paghakbang palapit dito pakiramdam ni Ronchie unti unti siyang nilalamon ng damdaming hindi niya maipaliwanag. 

Napahawak siya sa dibdib, rinig niya ang malakas na kabog nito.

Heart paki explain! Ano to?

***

Ayun oh naisingit mag UD... Natatawa ako sa mga title ko ang la lame haha hirap mag isip!

Ate Rhomz pagaling ka! Te Jean Ayungao,  have a safe trip! 

Guys thank you sa pagtiyatiyagang mag antay ng Ud..

Salamat sa mga nagco comment per chapter, hindi ko man kayo mareplayan minsan guys pero grabeh salamat! 

Sa mga nagvovotes at mga silent readers jeongmal kamsahamida! Ayun oh natututo ng mag korean dahil naadik na ako sa K- dramas. At kasalanan din ng baby kong si Song Joong ki hahaha (Feeling ni Author)

Words couldn't express kung gaano ako kasaya dahil naa appreciate niyo stories ko guys kahit newbie lang ako.  

You can add me on facebook guys ShyWriter Wp, don't hesitate to pm me..

Salamat

Shy___

Quen Hades: The Mysterious LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon