Panaginip

24.8K 727 74
                                    

"Wuy mam! Mukhang kasing lalim ng Pacific Ocean ang iniisip mo ah!" Napapitlag si Ronchie ng may pumitik sa kanyang harapan. Nakakunot noong mukha ni Mg ang sumalubong sa kanya. Katabi nito si Rhomz at Rejvien.

Napakurap kurap "Hah?"

Binaba ni Rej ang Librong hawak sa mesa at umupo sa tabi niya. "Nawala ka lang ng ilang araw pati katinuan mo nawala din? " Napa-aray ito ng makatanggap ng kurot kay Rhomz.

Ilang araw na din mula ng makabalik siya sa pagtuturo. Hindi na sila nagkaroon ng pagkakataong makapag usap ni Quen. Dahil matapos siyang kausapin ng Tiyahin at mga pinsang babae ni Quen ay ang mga ito na mismo ang naghatid sa kanya sa kanilang bahay.  Pinaliwanag ng tiyahin ni Quen ang mga nangyari sa mga magulang niya at humingi ito ng tawad sa ginawa ni Quen. 

Nabawasan ang bigat sa dibdib niya ng malamang hindi ang ama ang dahilan ng pagkamatay ng mga magulang ng binata. Ngunit nanatili ang sakit  dahil  sa panlolokong ginawa nito sa kanya.

Pero bakit may payakap yakap pa itong nalalaman noong nalaman nitong gising na siya matapos siyang iligtas ng mga ito sa grupo ng Tatay ni Jen?

Pinilig niya ang ulo. Erase! erase! dala lang yun ng konsensya nito.

"Ay si Quen ba yun?'

Biglang kumabog ang kanyang dibdib at napatingin sa direksyong tinuro ni Rej.  Ni anino ng binata ay wala. Kung talagang may nararamdaman sana ang binata, alam naman nito kung saan siya nakatira. 

Sumalakay ang kirot sa kanyang dibdib.

Aaminin niya umaasa parin siya. 

Baliw namang kasing puso ito!

Saka lang niya napagtanto na nagbibiro si Rej ng mapa aray ulit ito ng makatanggap ng mag asawang kurot mula kila Rhomz at Mg.

"Aray anu ba!" reklamo ni Mg

Pinanlakihan ito ng mata ni Rhomz "Minsan talaga yang bibig mo eh"

Pinahaba ni Rej ang nguso "Bibig ko? Kissable baket inggit ka?" pamimilosopo nito.

Napasabunot si Mg sa sariling buhok at pinatirik ang mata "Malala ka na" anito kay Rej

"Mas malala ka pa! Kala mo di ko nakitang nanonood ka ng scandal kahapon nung break---- uhmmmpp!" hindi nito natuloy ni Rej ang sasabihin ng takpan ni Mg ang bibig nito ng palad.

"Pinasa lang ni Rhomz sa akin yun"

Namilog ang mata ni Rhomz at luminga linga sa paligid "Bakit ako na naman? Kinuha mo kaya ang cellphone ko at ikaw mismo ang nagpasa"

Unti unting tumaas ang sulok ng labi ni Ronchie habang naiiling. Panandaliang nakalimutan ang sakit na dinulot ni Quen. Maya maya pa ay hindi na niya napigilang mapahalakhak. Ikaw ba naman ang makaroon ng ganitong mga kaibigan. Tiyak masisiraan ka ng bait. 

"Buti hindi niyo sa facebook pinasa?" hindi na niya mapigilang saad habang tumatawa. Naalala kasi niya ang magkapatid na nagtrending sa facebook. Kung nasa tamang huwisyo lang siguro siya ay vinedeohan niya ang mga ito. 

Malay natin baka magtrending hihi

Mga Teacher na nanonood ng Scandal oh diba? hihi

Natigil ang mga ito sa pagsisihan at sabay sabay pang napatingin sa kanya?

"Salamat naman at nagbalik na ang kaibagan namin" magkadikit ang mga palad habang nakapikit na saad ni Rej.

Hinawakan naman ni Rhomz ang magkabilang braso ni Ronchie at niyugyog "Ikaw na ba talaga yan?"

Quen Hades: The Mysterious LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon