Until Sunrise?

21.3K 663 23
                                    

"Real heroes

Doesn't wear capes

They TEACH"

Bago pa makalapit si Quen kay Ronchie ay humahangos ng pumasok ang Nanay ni Jhen. Napamulagat ito ng makitang nakahandusay sa sa sahig ang asawa nito.

"A-- anong ginawa niyo sa asawa ko?" naghi hysterical na nilapitan nito ang asawa.

Napahigpit ang yakap ni Ronchie kay Jhen. Nagawa nitong kumustahin ang asawa samantalang ang anak ay hindi. Hinaplos niya ang likod ng bata na hanggang ngayon ay nanginginig parin sa takot.

"Tulog lang siya Misis gigising din yan mamaya" sagot ni Quen 

"Tumawag ka ng Pulis" maikli ngunit nakatiim ang bagang na utos ni Ronchie kay Quen. Anong klaseng magulang ang kayang saktan ang anak ng ganito kalupit. 

"Mam parang awa niyo na..... huwag po-- a--ko na po ang bahalang pagsabihan ang asawa ko" nag mamakaawang saad ng nanay ni Jhen.

Napakuyom ng kamao ni Ronchie "Hahayaan niyo nalang na saktan niya ulit ang anak niyo?" saad niya ng puno ng hinanakit ang tono. Madami siyang gustong isumbat dito ngunit pinigilan niya ang sarili. Wala siyang karapatang kwestiyunin kung anong klaseng mga magulang ito. Parang pinipiga ang puso niya ng muli niyang tignan ang batang puno ng pasa sa katawan.

"Ma-m hu--wag na po... Ba--ka kung ano pang ga--win ni Ta--tay sa inyo" nahihirapang wika ni Jhen habang nakakapit ng mahigpit sa laylayan ng kanyang damit.

Tatlong beses siyang napabuntong hininga para kahit paano lumuwag ang kanyang naninikip na dibdib " Pagbibigyan ko kayo Misis pero sa isang konsdiyon.. Sa akin muna si Jhen" hindi niya maatim na iwanan dito ang bata. 

Sunod sunod na tumango ang ginang. Sa pamamagitan ng titig ay humingi siya ng tulong kay Quen na agad namang naintindihan ng binata. Lumapit ito at binuhat ang bata.

"Let's go before that as*h*le wakes up!" Quen

***

Dinala nila ni Quen ang bata sa Hospital. 

Nakahinga siya ng maluwag dahil walang anumang nabaling buto ito sa katawan. Ayaw naman ng batang manatili sa Ospital kaya matapos ang mga pagsusuri dito ay inuwi din nila ito.   

Pagbaba nila sa taxi ay sinalubong sila ng nag aalalang tingin ng kanyang ina at kapatid. Nasabi na niya kanina sa telepono ang mga nangyari at nagpaalam sa Ina na pansamantalang mananatili muna sa kanila si Jhen. Agad namang itong pumayag.

"Kumusta ang bata?" tanong ng kanyang Inang si Aling Gloria.

Sinenyasan niya ang Inang mamaya na siya magpapaliwanag dito. Ayaw niyang pagusapan ang mga nangyari lalo na kung naririnig ng bata. Agad naman itong tumango ng makuha nito ang kanyang ibig sabihin.

Bumaling ito kay Quen na siyang naka alalay kay Jhen "Pumasok na kayo, Rochelle samahan mo itong si Quen" utos nito sa kanyang kapatid na agad namang tumalima.

Nang makapasok ang mga ito sa kanilang bahay ay hinila siya ng Ina sa sulok. "Anong plano mo ngayon? Irereport mo ba sa Police o sa Dswd?"

"Hindi ko alam nay! Kakausapin ko muna ang bata. Pero habang pinag iisipan ko ang susunod na gagawin dito muna siya mananatili sa atin"

Tumango tango si Aling Gloria "Ako anak eh hindi naman tutol sa pananatili niya dito. Sa katunayan kumukulo ang dugo ko sa mga magulang niya. Pero ang inaalala ko ay Ikaw, paano kung may gawin sayo ang tatay niya?" puno ng pag aalalang wika nito

Quen Hades: The Mysterious LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon