Lion's Lair

21.2K 599 35
                                    

"Pain has deep roots

The only way to dig out

Is to forgive..."

-The Best of Me

Lumingon muna si Ronchie sa kanyang likod para kumuha ng lakas sa Ate Rochelle niya. Bumuka ang mga labi nito at sumenyas "Fighting!"

Naiiling na natawa nalang siyang bumaling ulit sa kanyang harap. Nandito na siya ngayon sa gate nito.

Ronchie shakes her hands thrice para makalma niya ang sarili. Heto na naman ang puso niya kung makipaghabulan sa pagpintig wagas. Feeling niya tuloy mag ha hyperventilate siya. Kaya ilang beses muna siyang suminghap at bumuga ng hangin bago niya pindutin ang doorbell ni Quen.

Nagdasal siya na sana maala niya lahat ng  itinuro ng kanyang ate kanina. Ito na ang pagkakataon niyang mag pakitang gilas sa binata.

Bakit? Hindi niya alam!

Pati sa sarili niya naguguluhan siya. May mga bagay na hindi siya maipaliwanag. Ang pagbilis ng pintig ng puso niya kapag nakikita niya ang binata. Ang init na gumagapang sa bawat himaymay ng kanyang katawan sa tuwing naalala kung paano gumalaw ang mga labi nito sa kanyang mga labi.

Pinilig niya ang ulo. Ano ba Ronchie! Kung anu anong pumapasok sa isip mo! saway ng matinong bahagi ng isip niya sa sarili.

Sakto namang bumukas ang pinto nito. "Pasok ka!" anito ni walang bakas ng ngiti sa mga labi nito.

Dito na siya lumaki pero ngayon lang niya napasukan ang bahay sa tapat na ito. Mas maluwag pa pala ang espasyo nito sa loob. Umawang ang kanyang mga labi ng masilayan na niya ang loob ng bahay. Halata mong mamahalin ang mga gamit. Parang nangingimi siyang tapakan ang malambot na alpombra sa sahig.

Umahon ang kuryusidad sa kanyang dibdib "Kaanu ano mo ang may ari nitong bahay?" 

Nagkibit balikat ito "Sa isang malayong kamag anak" tipid nitong sagot. "Halika... dito ang kusina"

Tinikom ni Ronchie ang bibig. Halatang umiiwas ang binata pag usapan ang anumang paksa patungkol dito. 

"Andito na yung mga pinamili natin kanina at mga kailangan mo, maliligo lang ako"

"Sige" kaswal niyang sagot at inabala na niya ang sariling ihanda ang mga kakailanganin niya sa pagluluto. Pinakawalan niya ang pinipigilang paghinga ng marinig niya ang mga yabag nito palayo. Masama na to!

Inilabas niya ang cellphone at sinaksak ang headset dito. Para mawala ang pagkailang ipinasak niya ito sa kanyang tenga at nagpatugtog.

Bubble it bubble it

You see the girl with a big tic tac

she fi gimme the, gimme the

head to the floor gal gimme the, gimme the

bend over gal and gimme the, gimme the

slip don to the ground size big activity  

Pagkatapos hugasan ang karne, isinalang na niya ang kaldero at sinimulang pakuluan ang karne. 

and roll me girl and gimme the, gimme the

top wine girl and gimme the, gimme the

body look fine girl gimme the, gimme the

come me nah waste no time girl gimme the, gimme the  

Isinunod niyang hugasan ang mga gulay, habang ginagawa ito ay hindi niya mapigilang gumalaw at kumendeng.

Inaamin niya pati sa pagsayaw lagapak siya pero kiber! Kahit pa sing tigas ng tuod ang katawan niya walang basagan ng trip. Ang importante makapasa kay Quen ang luto niya.

Napangiti siya at mas lalong ginahan ng maisip si Quen. Sabi nga nila a way to man's heart is through his stomach. Wew! kaya dapat panalo! hihi

rotate your body cause me love how you spinning it

rotate your body cause me love how you spinning it

rotate your body cause me love how you spinning it

make me trumpets blow!

make me trumpets blow!

"Yeah make me trumpets blow! woooo!" gumigiling habang hinahalo niya ang niluluto. "awwww!" napahiyaw siya ng dumikit ang kamay niya sa kaldero.

"What happened?" 

"ah wala!" napalunok siya ng lumapit si Quen sa kanya. Langhap na langhap niya ang ginamit nitong after shave. Impit siyang napatili sa isip. Amfufu! ambango!

Napaatras siya ng bigla nitong hawakan ang kamay niya. Napasinghap siya ng dahan dahan nitong itaas at dalhin ito sa mapupulang labi.

Naghinang ang kanilang mga mata. Nagbaga ang mga mata nito sa pagnanasa ng dumako ang paningin nito sa kanyang bahagyang nakaawang na mga labi. Pinangapusan siya ng hininga ng unti unting bumaba ang mga labi nito sa kanya.

Magdadaop na sana ang kanilang mga labi ng biglang---

"You okay?" kunot noong saad ni Quen at pinadaan ang mga palad nito sa harap ng kanyang mukha.

"hah?"

"Para kang ewang nakangiti" 

Napaayos siya ng tayo! Gustong batukan ni Ronchie ang sarili niya! Spell imahinasyon?

Naudlot na halik ni Ronchie!

"ahmm maganda lang kasi yung pinapakinggan ko. Excuse me yung niluluto ko" nakayukong saad niya dahil pakiramdam niya lahat ng dugo niya umakyat sa kanyang mukha. Sana naman hindi ito kalahi ni Madam Auring ng hindi nito mahulaan na pinapantasya niya ito.

Naging kiss maniac na ata ako! huhu

"Kailangan mo ng tulong?" anitong matamang nakatingin sa kanya. Tila nagtataka sa kinikilos niya.

"hi-- hindi na kaya ko na.." 

"bakit ka namumula?" 

Nanlaki ang mga mata niyang bumaling dito. Inaasar ba siya nito? Agad din siyang napayuko ng makitang wala namang bahid ng pang aasar ang mukha nito.

Napa-paypay siya sa sarili gamit ang kanyang mga kamay. "maineet kasi" palusot niya.

Hindi naman na nagkomento ang binata.

***

Gustong matawa ni Quen na makitang tila kinakabahan ang dalaga habang nakatitig sa kanyang gate. He was currently staring at her through the monitor. 

Maya maya ay tumalim ang kanyang mga mata "Well you should be milady" 

Ng pinindot nito ang door bell ay agad niyang pinatay ay umalis na siya sa control room. Siniguro niyang naka lock ang pinto bago niya ito iniwan.

He couldn't understand himself lalo na ng mapadako ang tingin niya sa mga labi nito it was like something was pulling him to taste those luscious lips again.

Biglang nag init ang kanyang katawan. D*mn! It's been months since the last time he have sex. Maybe it was the effect! Something jerked in him ng maalala niya ang malambot nitong dibdib na dumikit sa likod niya kanina.

"F*ck I think I need a cold shower!" aniya sa sarili

Kaya pansamantala siyang nagpaalam dito. Pero bago siya tuluyang umakyat saglit niyang pinagmasdan ang dalaga.

Napangisi siya ng makahulugan "Welcome to the Lion's lair milady"

***

Sinipag ang utak ni author kaya dalawang chapter haha

Salamat sa pag aantay ng Ud guys!

Shy___


Quen Hades: The Mysterious LoverWhere stories live. Discover now