By Hook or by crook!

25.8K 749 49
                                    

"How is she?"

"She's fine Ma, binigyan siya ni Dr. Esteban ng pampatulog kagabi para makapag pahinga siya" 

 Tuluyan ng nagising ang diwa ni Ronchie ng naulinigan ang mga boses babaeng nag uusap. Teka nasan ba siya? Bigla niyang naimulat ang mga mata ng maala ang mga nangyari. Ang huling natatandaan niya ay binuhat siya ni Quen at isinakay sa Kotse ng mga ito. Hindi niya siguro namalayang nakatulog siya.  

Muli siyang napapikit ng mabigla sa liwanag na tumatagos galing sa bintana.

"She's awake!" anang boses na kung hindi siya nagkakamali ay si Jenna

Naramdaman niya na may humawak sa kanyang kamay. "Ronchie may masakit ba sayo?"

Ang magandang mukha ni Ap ang bumungad sa kanya ng muli niyang imulat ang kanyang mga mata. Bigla siyang na conscious sa itsura pinasadahan niya ang gilid ng mga labi baka hindi niya namalayang naglaway siya. Sino bang hindi maiilang kung ganyang kagandang mukha ang una mong masisilayan.

Napakurap kurap si Ronchie ng may babaeng tumabi kay Ap at kinuha ang kamay niya mula dito. Para itong older version ni Ap, kahit may edad na ito ay sigurado siyang madami paring matitisod sa taglay nitong ganda.

"Kumusta ang pakiramdam mo Iha?" sumilay ang napakagandang ngiti sa mga labi nito.

"Sasabihin ko lang kay kila  Kuya Quen na gising na si Ronchie!" singit ni Jenna at tinungo  ang pintuan.

Nanatili siyang nakatitig sa mukha ng ginang hindi niya alam kung anong sasabihin dito. The woman chuckled mukhang may naalala "Oo pala! Sorry Iha, nakalimutan kong magpakikila. Ako si Thea Mama ni Ap at Zeus, Tiyahin ako ni Quen"

Tinukod ni Ronchie ang kamay para makaupo, maagap naman siyang inalalayan ng ginang para makasandal siya sa kama. Si Ap naman ay nilagyan ng unan ang likod niya. "Ronchie ho Mam" nahihiyang pakilala din niya dito.

Hinaplos ng ginang ang kanyang buhok. "I'm sorry Iha" malamlam itong tumitig sa kanya "Alam ko ang ginawa ng pamangkin ko sayo" 

Sinalakay ng kirot ang dibdib ni Ronchie. Nag init ang sulok ng kanyang mga mata bakit ito humihingi ng tawad imbes na siya. Nagtataka nga siya kung bakit mabait ang pakikitungo ng mga ito sa kanya samantalang ang tatay niya ang dahilan kung bakit nawala ang mga magulang ni Quen "Ako ho ang dapat humingi ng tawad, alam ko hong hin-----" hindi niya naituloy ang dapat sasabihin ng padarag na bumukas ang pinto at iniluwa nito ang nag aalalang mukha ni Quen. Kasunod nito ang lima pang kalalakihan kasama si Jenna.

"Thanks God you're awake!" napamulagat siya ng hapitin siya nito at yakapin ng mahigpit. Nabitawan tuloy siya ng tiyahin nito. "You okay? May masakit ba sayo? Tell me!" sunod sunod nitong litanya.

"Wew! Is that really Quen?"  laglag ang panga at tila hindi makapaniwalang saad ng lalakeng nakahawak sa bewang ni Jenna. 

"I thought I was seeing someone else too" Kilala niya ito, it was Dwayne na ngayon ay nakayakap na sa asawang si Ap.

"Si Thor kaya kelan madadale?" asar ni Zeus

Thor groaned in annoyance at sinamaan ito ng tingin "Shut Up!"

"Love payakap din ako!" Sa gilid ng mga mata ni Ronchie ay nakita niyang lumapit ang lalake sa Tiyahin ni Quen.  Kahit na may edad na ito ay hindi niya maiwasang mapanganga. Matikas parin ito at hindi ito magpapatalo sa kagwapuhan kila Quen.

Napasimangot si Quen ng mapansin siyang nakatingin sa tiyuhin nito.

"Sapak gusto mo?" nakataas ang kilay na saad ni Thea dito. "Anong ginagawa niyo dito? Hindi ko pa sinabing pumasok kayo, labas! " minulagatan ng ginang ang mga kalalakihan. 

Quen Hades: The Mysterious LoverNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ