Shhhhh

22.4K 658 59
                                    

Kanina pa hindi dalawin ng antok si Ronchie. Madaming negatibong pumapasok sa kanyang isip ngunit pilit niyang winawaksi. 

Napaigtad siya ng biglang tumunog ang kanyang cellphone. Lumakas ang tibok ng kanyang puso ng pangalan ni Quen ang nakita niya. Agad niya itong sinagot.

"Hello?"

Rinig ni Ronchie ang pagbuntong hininga nito "Nagising ba kita?"

"hi--ndi naman" amfufu boses palang nito parang gusto ng sumabog ng ovaries niya. Kinagat niya ang labi para pigilan ang kilig na nararamdaman.

"Andito ako sa labas ng bahay niyo"

Napatayo si Ronchie ng marinig ang sinabi ng binata. Binuksan niya ang bintana at sumilip. Nandoon nga ang binata. Nakapamulsa ang isang kamay habang ang isa ay hawak ang cellphone na nasa tenga. Napamura siya ng paulit ulit sa isip.

Ang gwapo niya talaga!

 Nang makita siya ay tinanggal nito ang nasa kamay na nasa bulsa at kumaway sa kanya.

"Saglit lang bababa ako" aniya bago pinatay ang tawag. Tumango naman ang binata.

Buong ingat niyang binuksan ang pinto para hindi magising ang mga kasama sa bahay. Napapitik siya sa hangin ng tagumpay niyang mabuksan ang pinto. 

Maingat ang mga hakbang na bumaba siya sa kanilang hagdan. Hindi na siya nag abalang buksan ang ilaw baka mahuli pa siya. Gusto niyang magtatalon sa galak ng makalabas na siya ng pinto ng kanilang bahay. Ang gate nalang ang problema niya.

Gaya ng ginawa niya sa pinto ay dahan dahan ang ginawa niyang pagpihit sa gate para hindi ito lumangitngit. Kaloka para lang siyang teenager na tumatakas at palihim na nakikipagkita sa kasintahan. Napahagikgik siya sa naisip. 

Napatili siya sa kanyang isip ng tuluyan na siyang makalabas. Nadatnan niya ang binatang nakapamulsa habang hinihintay siya. Nang makita siya nito ay ibinukas nito ang mga bisig.

Lord bakit ba ang swerte ko? Daing lang ang hiningi ko pero binigyan mo ako ng liempo hihih 

Tumakbo siya palapit dito at yumakap. Nagusot ang ilong niya ng malanghap ito. "Uminom ka?"

Natawa ito at ipinaloob siya sa mga bisig "konti lang" pinakawalan siya nito at hinawakan sa kamay. 

"Saan tayo pupunta?" painosenteng tanong niya kay Quen ng marahan siya nitong hatakin. 

Kumislap ng buong kapilyuhan ang mga mata nito at tumaas ang gilid ng mga labi "Sa bahay nagugutom ako. Kailangan ko ng midnight snack"

Midnight snack daw? hihihi sino ba siya para mag inarte. Sa totoo lang gutom na din siya. 

***

"uhhhhhhh!" impit na napaungol si Ronchie nang kagatin ni Quen ang kanyang tenga. Hindi na sila nakarating ng kwarto nito. Dahil pagkasarang pagkasara ng pinto ng bahay nito ay agad na tinanggal ng binata ang mga saplot nila sa katawan.

Mukhang gutom na gutom nga ang binata dahil agad siya nitong pinapak. 

Dumausdos ang mga labi ni Quen sa kanyang mga labi habang ang mga kamay nito ay abala na sa kanyang magkabilang dibdib. Agad niyang ibinuka ang bibig at sinalubong ang dila nitong nagsimula na ding maglumikot sa kanyang mga labi.

His breath was a mixed of alcohol and mint na mas lalong nakapagpabaliw sa kanya. Gumapang ang kanyang kamay sa dibdib at dinama niya ang perpektong hugis ng katawan nito. T*ng*na ng abs nito nakakagigil. Nang hindi siya makontento ay gumapang pa ang kanyang kamay patungo sa harapan nito. 

Quen Hades: The Mysterious LoverWhere stories live. Discover now