10- Time Machine

5K 135 5
                                    

Kiefer's POV

"Paps, dali na. Sama ka na samin magdinner. It's been so long since we last hangout kasama yung mga barkada natin noon"- Pilit na naman ni Von.

Kung ako lang, sasama naman talaga ako dun. But when he mean na yung dating barkada, I had my doubts. Which means na yung kaming magbabarkada nung rookie pa ako. Kasama na si Alyssa doon syempre.

Hayst.

"Paps. Hindi pa naman sure na pupunta si Aly eh."

I sighed again but said nothing, nakahiga lang ako ngayon sa sofa ng condo ko.

"Oh come on Kief. You keep telling me na you've already moved on, but your actions shows the opposite." He said.

"Hindi naman sa ganun yun papas eh. Ayoko lang na pati kayo ma awkward samin"- I explained.

And it's him who sighed now.

"Uulitin ko lang, hindi pa sure na pupunta si Aly, so wag kang masyadong O.A"

I just rolled my eyes at him. Nagsalita naman siya ulit.

"Pag hindi ka talaga sumama it really means na hindi ka pa rin nakaka move on kay Alyssa" He said.

I give him a glare tapos tumayo na.

"Fine, sasama ako kahit na nandun man siya o wala. Just to prove you na wala na talaga akong paki sa kanya." I answered. I'm not even convinced on what I said.

Nagsmile naman yung loko.
Nabitag ata ako.

°°°°°°°°°°°
When we arrived sa resto nandun na yung iba. We greeted them tapos small talks habang nag-aantay sa mga wala pa.

Hindi ko talaga mapigilan yung mga mata ko na tumingin sa entrance everytime someone walks in. Automatic lang. Hayst. Kaya binisi ko nalang yung sarili ko sa kwentuhan.

A while has past already at unti-unti na kaming nakokompleto pero wala parin sila Den at Lau. Si Ella kakarating lang din. And of course wala pa din si Alyssa. Wala na sigurong siyang balak pumunta, usually naman maaga yun sa mga meetings eh. Tsaka mas mabuti na rin yun.

"Guys, sorry na late kami ha. May dinaanan pa eh" may nagsalita sa likod namin.

Napatingin naman ako agad, si Den at Lau na pala. Grineet rin namin sila.

"Kami na lang pala yung kulang. Sorry talaga" Lau said tapos naupo narin sila.

"Asus parang hindi naman kami nasanay sa inyong mga girls. Wala paring pinagbago. Hahaha" Nikko said. Natingnan tuloy ng masama nila Den.

"Sorry" he said again tapos nag peace sign.

"Mas mabuti pa umorder na lang tayo" Ella syempre.

Natawa nalang sila.

Napatingin na naman ako ulit sa entrance. Hayst. Hindi na talaga siguro yun pupunta.

"Paps, may inaantay ka ba?" Bulong ni Baser sakin, may pataas taas pa talaga ng kilay.

Loko.

"Wala noh. Tsaka sino namang hihintayin ko, nandito na kayo oh" I answered.

He just smirked. "Talaga lang ha."

Tapos nagsalita na siya ng malakas.

"Uhm. Den, Ella. Saan na nga pala si Aly. Namimiss na kasi siya ni Ki--- Aray Paps"

Hindi niya natuloy yung sinabi niya dahil siniko ko. Pinanlakihan ko nalang ng mata. Walang hiya talaga to.

"Namimiss na siya ni Kiwi, yun naman yung sasabihin ko ah. Bakit Kief? Namimiss mo rin ba siya?" Sabi niya tapos natawa na talaga pati yung iba nakisali narin.

PRESENTing the PAST (KiefLy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon