21-Missed

5.9K 138 2
                                    

Alyssa's POV

"I want you to burn, burn for me babyyyy" I sing.

"Ughhh! Tama na besh. Masakit na masyado eardrums ko. Ang pangit ng boses mo." Ella argued, may patakiptakip pa talaga sa tenga niya.

Aba! Akala mo naman ang ganda ng kanya, eh mas malala kaya siya sakin. I can say na sa aming mag beshies ako yung may pinakamagandang singing voice. Hahahaha. Wag na kayong umangal. Ibalato niyo nalang to sakin please.

"Ang O.A mo besh. Mahiya naman tayo sa boses mo ha. Talo ka panga ni Den eh." Sagot ko.

"Hey! Ako pa talaga kinompare mo kay Ella. Grabe ka besh." Den pouted natawa nalang kami.

Nandito nga pala sila sa condo ko ngayon, nakikigulo, pero silang dalawa lang wala si Kiwi kasi may lakad sila ng parents niya.

Nandito kami sa kitchen ngayon, nageexperiment, hahaha. Ang kalat na nga eh, pero at least kahit pancake man lang meron.

"Nga pala besh, diba mamaya na uwi ni Kiefer galing Iloilo? Anong plano niyo?" Tanong ni Ella sakin.

Sumimangot naman ako.
"Wala"

Actually, naiinis ako kay Kiefer simula pa kahapon. Ang O.A O.A kasi eh. May patampo tampo pa siya kasi daw hindi ako nagkatime sa kanya nung friday pero gumala lang daw kasama sila Kimmy. Kesyo hindi daw siya importante sakin ni kahit isang minute lang hindi ko siya kinamusta.

Kahit naman anong gawin kong paliwanag na hindi sadya yung gala namin nila Kimmy at nawala lang talaga sa isip ko na tawagan siya, hindi pa rin naniniwala eh. Anong gusto niya? Puntahan ko pa siya dun sa IloIlo? Yun napikon ako, hindi ko na talaga pinansin, bahala siya.

"Hala ka besh. Nag away kayo noh?" She asked again habang pasimpleng kumukuha nung pancakes na luto na.

Hinampas ko naman yung kamay niya.
"Wag mo kong dinidistract Ella ha. Damoves ka rin masyado eh noh?" Sabi ko tapos tinabi yung mga pancakes, pang movie marathon to namin mamaya.

Sumimangot naman siya, pero this time si Den naman yung nagtanong.
"Besh, Ano nga kayo ni Kiefer? May LQ?"

"Naiinis lang ako sa kanya, kung ano-anu na yung iniisip. Bahala nga siya" I sighed.

"Bakit ba?" She asked.

"Kasi sabi niya mas gusto ko pa daw gumalagala kaysa sa makausap man lang siya ng isang minuto. Eh kahit ano namang gawin kong paliwanag na nawala lang talaga sa isip ko ayaw niyang maniwala eh, so yun napikon ako. Bahala talaga siya." I explained.

"Anong ginawa niya?" Tanong ni Ella.

"Tawag siya ng tawag kahapon, pero sinasabi ko nalang na may gagawin ako. Naiinis parin ako sa kanya. Pero ngayon, hindi na siya tumawag. Or text. Or DM. Kahit nga sa Viber wala eh" I said sadly.

"Yan. Yan ka eh. Iwas ka ng iwas nung tintawagan ka. Ngayong wala na, namimiss mo naman. Ikaw Ly, ayusin mo nga yang utak mo. Pag yan si Kiefer napagod, tingnan lang talaga natin kung hindi ka mabaliw." Sermon ni Ella.

"Tsaka Besh, baka namimiss ka lang talaga nung tao kaya siya nagtampo ng todo nung hindi kayo nagkausap. Tapos ikaw naman pikon ka agad, malay mo nagpapalambing lang pala." Si Den naman.

Natahimik naman ako. Mapapagod kaya si Kiefer sakin? Oo inaamin ko na madalas may kaibahan talaga tong ugali ko pagdating kay Kief. Nasanay lang siguro ako na palagi niya akong binibaby kaya ayun.

Hayst.

"Besh, mali ba ako? Eh minsan nakakainis talaga siya eh" I asked.

"Alyssa, okay lang naman na mainis ka eh. Ako nga kung masyadong demanding na si L.A, iniiwan ko nalang kung nasaan kami eh. Pero nasa sayo na yan kung pano mo e handle Ly. But as what I can see right now, pinalala mo lang ata."

PRESENTing the PAST (KiefLy)Where stories live. Discover now