20- Long Distance

5.9K 149 4
                                    

Kiefer's POV

"Hayst manong, nakikinig po ba kayo?" Tanong ni Thirdy.

"Ha?" Tanong ko, looking up from my phone.

"Sabi ko na nga ba hindi eh. Eh kung pinasama niyo lang sana si Ate Ly dito, hindi ka na sana busy jan masyadong magtetext text" he sighed.

Nasa Iloilo kami ngayon. Nagbabakasyon lang para makasama sila lola. Matagal tagal ring hindi ako nakabalik dito nung nagcollege na ako, kaya eto bumabawi, si Daddy lang yung naiwan sa Manila may mga commitments kasi.

"May training nga sila Thirdy. Kilala mo naman yun diba? Kahit nga maykasakit magtetraining pa rin eh. Tapos elimination round na nila" sagot ko naman.

Miss ko na siya sobra. 2 days na kaming di nagkikita tapos pag lunch  at gabi lang kami nakakapagusap ng maayos kasi nga may mga ginagawa siya. But I cant do anything, magaadjust ako kung kinakailangan tsaka 4 more days babalik narin naman kaming Manila eh.

Kahit na hindi naman siya nakakareply sa mga messages ko agad, palagi ko parin siyang tinetext. Kagaya ngayon. Hahaha.

"Hijo, sa susunod dalhin mo na si Alyssa dito ah, kung hindi na siya busy. Gusto na namin siyang makita. Hindi mo naman siya pinakilala dati eh" sabi ni tito Mark. Kapatid ni mama.

"Opo tito. Busy pa talaga siya ngayon eh. Ipakikilala ko po sa inyo, I'm sure you'll like her" I smiled.

"Nako apo. We already like her. Ang saya ko nga eh. Magiging apo ko rin si Alyssa Valdez. Sikat na sobrang bait pa" sabi ni lola.

Natawa naman sila.

"Lola naman eh. Hindi pa nga ako sinasagot ng tao, iba na agad yang iniisip mo. Baka matakot si Ly niyan ah, iwan pa ako."  I pouted.

"Naku naku. Pag yan pinakawalan mo pa talaga, malilintikan ka talaga saking bata ka. Hindi ako papayag kung iba" she said again tapos tumawa nalang sila ulit.

Hay nako si lola. Pero at least tanggap na nila si Ly. And that made me so happy.

°°°°°°°°°°
Alyssa's POV

I smiled when I checked my phone. Kakatapos lang ng afternoon training namin tapos nagpadeliver nalang kami ng foods para sa dorm nalang kami kakain.

From Kiefer Ko <3:

Siya po yung nagpangalan ng contact niya sa phone ko ha. Wag kayong ano. Hahaha

Eh bat di mo pinalitan kung ayaw mo?- si brain na naman.

Shatap brain. Wag ka ng epal.

From Kiefer Ko <3:

--Hi po. Miss you <3 😦

--I love you.

--Babeeeee?

--Sana sinama nalang kita dito.

--Gusto ko nang bumalik jannn 😦😥

--3 hours nakong nababagot.

--2 days na kitang namimiss.

--I love you!

--Lyyyyyyyyy!

--Pansinin mo na ko parang awa mo na. Hahaha.

--Sige Babe. Text me nalang pag free ka na ha. I love you.

Hahaha. Sa phone messages pa lang yun ha. Iba pa yung DM's tapos pangungulit niya sakin sa viber.
Ang kulit. Pero miss ko na rin yung makulit na yun.

PRESENTing the PAST (KiefLy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon