15-Jealous

6.1K 158 6
                                    

Alyssa's POV

"Kung nakakamatay lang siguro yung tingin, malamang kanina pa siguro ako pinaglalamayan." Ysay said with a chuckle.

Nakisali kami ngayon sa training ng mga boys. Right now, pahinga muna kami. Yung iba nasa bench pero kami nitong isa nasa sahig lang nakaupo, sa gilid lang din naman. At itong si Ysay kanina pa ang kulit kulit. Nang-aasar sakin.

Actually he's teasing me about Kiefer. Alam din niya na naging kami noon. Nandito kasi sila Kiefer nakikinood.

"Bakit ka naman mamatay?" I asked.

"Eh kasi kung makatingin naman si Kiefer sakin parang gusto na niya akong sugurin dito. Akala siguro inaagaw kita. Tingnan mo oh" Nginuso niya ulit kung nasaan sila Kief.

Lumingon naman ako. He looked pissed sa totoo lang. Nakatingin lang sa banda namin. Yung dalawang kilay niya halos magkasalubong na. Tapos may sinasabi si Von sa kanya, halata namang hindi nakikinig.

"Ikaw, kalalaki mong tao, masyado kang assuming." Sagot ko nalang.

Tumawa naman siya.

"Ikaw lang yung hindi marunong mag-assume kahit sobrang obvious na noh. Magkabalikan na nga kayo agad para wala ng drama." Sabi niya ulit.

Aba! May nalalaman pa talagang ganyan.

"Hoy! Marasigan, kung anu-ano na yang lumalabas sa bibig mo ha. Ipakain ko kaya yung Mikasa sa'yo ng tumahimik ka"

Nagsmirk lang siya.

"Hay nako Valdez, makikita mo sa huli ikaw yung kakain jan sa mga sinasabi mo. Tssss sobrang in denial pa" Pwede na talaga tong mag abogado eh, ang galing ibalik sakin yung usapan.

I sighed.

"We're really just friends Ysay." Sabi ko.

"For now. Maybe hindi pa panahon para doon. Pero I'll bet my ass na magkakabalikan talaga kayo."

Natawa naman ako.
"Sino namang makikipagpustahan para jan sa pwet mo. Hahaha. So Ewy" asar ko sa kanya.

"Ewy ka jan. Edi yung handsome face ko nalng ipupusta ko"

Is he really serious!? Isa pa tong sobrang feeling.

I glared at him.
"Ang feeling mo po. Masyadong self-proclaimed."

"Basta. Iniiba mo naman yung usapan eh. Balik tayo sa inyo ni Kiefer. Ta'mo yung mukha, magkakawrinkles siya niyan ng maaga. Hahaha. Seloso pala yang Kiefer mo eh" He teased me again habang nakatingin talaga kila Kiefer.

I look at him again, hindi na naman siya nakatingin sa amin pero namumula at parang nakakain lang ng pangit na pagkain yung itsura, ang busangot. Tsaka hindi mapakali.

"Wag mo na nga akong asarin.  Hindi naman ibig sabihin niyan nagseselos siya noh, baka iba lang yung dahilan kaya siya ganyan. Tsaka hindi siya akin noh. Enough na" banta ko sa kanya.

Tumawa nalang ng malakas si Ysay.

"Last na talaga to promise. May itatry lang ako." Sabi niya. I'm confused.

Tapos bigla niya lang akong kiniliti sa tagiliran, syempre nagulat naman ako kaya napalakas tawa ko konti. Then he leans towards me with a playful smile, tapos hinawakan yung gilid ng mukha ko.




What!? Is he gonna kiss me? Cause it really looked like he is. Ano na naman to Marasigan!?




Hindi naman ako nakagalaw sa sobrang pagtataka.

His face so close to mine already. What the heck.




Aalis na sana ako ng may biglang lumagapak sa may mga upuan.

PRESENTing the PAST (KiefLy)Where stories live. Discover now