16- Truth

5.7K 137 5
                                    

Kiefer's POV

I still love her?





For the last one week, yan yung palaging gumugulo sa isip ko.

At walang kaibahan ngayon.

It's almost midnight but I'm still wide awake. Nasa sala ako ngayon sa amin, nakapatay na lahat yung ilaw.

Dito nalang muna ako nagstay sa bahay namin, kasi kung sa condo ako uuwi, wala naman akong ibang gagawin dun kundi magmukmok. Dito, maraming distractions.

Pero ngayong tulog na sila mama, heto na naman ako hindi makatulog, namumukmok, naguguluhan, iniisip siya.

Hindi mo naman siguro maiisip yung isang tao ng ganito ka dalas kung wala kang nararamdaman diba?

Hindi mo naman siguro mamimiss yung isang tao kung hindi kayo nagkita sa loob lang ng anim na oras kung wala kang nararamdaman diba?



Hayst.



Ilang minuto pa akong nagstay sa sala tapos umakyat na din sa taas.

I check the clock nung nasa kwarto na ako.






11:11 it says.




Make a wish Kief quick.

I close my eyes then make one. I chuckled naman pagkatapos. Natawa nalang ako sa sarili ko. Hindi naman ako naniniwala sa 11:11, trip ko lang ata ngayon, wala kasing magawa.

Minutes passed but I still can't sleep.





Tulog na kaya yun?

Naiisip niya rin kaya ako?







Sobrang unfair kung hindi. Nababaliw na nga ako dito, tapos siya chill lang? Hindi pwede yun. Hahaha.




Baliw ka na nga ata- utak ko.



I check my phone para may magawa lang. I browse, boring naman. Hanggang sa binasa ko nalang ulit yung mga messages niya. Ilang beses ko na tong nabasa, obssessed na kung obssessed wala akong paki. Haha



Tawagan ko kaya.

Tulog na yun sigurado.



Pero diniall ko parin yung number niya.




Kring...

Kring...

Kring...

Ibababa ko na sana nung may nagsalita.

"Hello?"

Napasmile naman ako. I bet hindi niya alam na may kausap siya ngayon.

"Hi Ly" I said.


"Hello." She said in a husky voice.

Inulit lang. I chuckled.
"How are you?"-tanong ko.

"Gusto ko kumain ng frozen brazo. Bilhan moko. I'll love you if you buy me one" She murmured.

Magsasalita sana ako ng magsalita siya ulit.
"Besh, nasaan yung kneepads ko?"

Natawa nalang ako. Nanaginip ata.
"If youre only awake right now." I said.

"I'm awake. Yes coach we'll play better." she murmured again.

PRESENTing the PAST (KiefLy)Where stories live. Discover now