23-With You

5.8K 144 10
                                    

Alyssa's POV

I was already focused reading my book and reviewing the notes that I have nang nagsalita na naman tong katabi ko.



"Ly, blooming ka. Bakit kaya?" He said.

Tiningnan ko naman siya. Nakatingin lang siya sakin habang nakangiti ng nakakaloko.


Ughh! Kiefer! Why are you so annoying sometimes!? Ang sarap mong paluin.

Nasa bahay ako nila tonight. Magstustudy nga daw kami, pero nauwi, ako lang yung nag-aaral. Tapos magsesleepover nalang daw ako. Pinilit talaga ako ni Dani, hindi naman ako makatanggi sa kanya. Though, I have a feeling na si Kiefer talagang may pasimuno nito.

"Tangi'na ka naman Kiefer, manahimik ka nga. Wala ka nang kwenta." Sabi ko tapos bumalik na ulit sa pagbabasa.

Tumawa naman siya ng malakas.

"See? I can make THE Alyssa Valdez cursed! Hahaha" at proud pa talaga siya huh.

"Manong, bad influence ka naman yata kay ate eh. Sa lahat ng kakilala niya, ikaw lang naman yung kinucursed niya." Sagot ni Dani habang pasimpleng kumakain ng chips.

Nasa kwarto kaming lahat ni Dani ngayon. Pati si Thirdy ofcourse, nakikikulit rin.

"Lah. Hindi kaya. Ewan ko din jan kay Ly bakit sakin lang niya nilalabas yung mga bad words niya. Eh mabait naman ako" Sagot naman ni Kief. I just rolled my eyes.

"Kasi manong, ang pangit mo" singit ni Thirdy.

Natawa naman kami ni Dani. Ang layo talaga ng ruta nitong si Thirdy eh, walang connect.

"May nakakatawa ba ha?" Sumbat naman ni Kiefer. Tingnan mo to, pag siya nang-asar parang wala ng bukas. Pero pag siya inasar, pikon naman.

"Walaaaa" sagot nung dalawa.


Bumalik na rin ulit ako sa pagbabasa. Syempre sa kalagitnaan na naman, nagsalita na naman ulit yung walang hiya.


"Ly, hindi mo pa sinasagot yung tanong ko. Bakit ba ang blooming mo? Lalo kang gumaganda eh. Siguro dahil inlove ka." sabi ni Kief.




UGHhhh!!!


Binato ko nalang siya ng pinakaunang bagay na nahawakan ko, pasalamat siya highlighter lang yun, may vase pa naman dito.

"Aray! Ly naman eh. Masakit" sabi niya habang hinihimas yung braso niya.

"Masakit ba? Gusto mo dagdagan ko pa? May vase pa dito oh, o baka naman gusto mong ito nalang libro ko yung ibato sunod?" I smiled sarcastically.

Tiningnan lang niya ako ng masama.
"Hindi mo ko sasaktan noh. You love me kaya" sabi niya.

"Aba! Gusto mong matry?" Sabi ko sabay taas nung libro.

Umatras naman siya agad at pumunta kay Thirdy ng dali-dali. Hahaha. Takot.

"Babe, joke lang. Hindi na ko makulit" He smiled naman. Natawa nalang sila Dani.

"Si manong under. Hahaha" panunukso ni Thirdy.

"Mahiya naman tayo sayo kuya. Under ka rin naman ni ate Bea ha. Ang worst, hindi pa kayo!" Si Dani naman ngayon ang nanukso kay Thirds.

"Eh bakit, sila naba ni ate Ly ha? Hindi rin kaya noh." Thirdy.

"Magiging kami rin, malapit na." Kiefer said. Ang confident.

"Eh kahit na under, si manong nanliligaw na kay ate Ly. Eh ikaw kuya? Mukang hindi mo pa nga naamin kay ate Bea na may gusto ka sakanya eh. Basag ka pala. Hahaha"- Dani.

PRESENTing the PAST (KiefLy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon