26-Waiting Not waiting

5.2K 145 6
                                    

Alyssa's POV

It's been a week simula nung natalo kami. Thankful parin naman ako kahit ganun. Alam kong marami talagang sumusuporta sa amin.

Pero aside from thoughts like that may isa pang bagay na bumabagabag sa isip ko.

It's about Kiefer and me.

Ang totoo niyan, sasagutin ko na naman talaga siya dapat eh. Pero ang bagal bagal ng loko, diba dapat magtanong muna siya? Diba? Isang 'will you be my girlfriend?' lang naman yung hihintay ko eh.

Totoo naman yung sinabi ko sa kanya na after UAAP ko talaga siya sasagutin, nagpaparinig na nga ako sa kanya, ang slow pa rin. Hay naku.

Eh bakit ba kasi kailangan pang maghintay na tanungin ka niya ha? Kung sabihin mo nalang kaya agad na sinasagot mo na siya, edi kayo na sana, wala ng problema. Ang arte arte pa kasi.
-at ayan na naman po yung magaling kong utak, nansesermon na naman. Cheh, bahala ka.

Speaking of Kiefer, nasa kanila ako ngayon - nagpaparamdam na naman na tanungin na niya ako-- hahaha joke lang. Tinawagan kasi ako ni Tita Mozzy, sabi niya dun nalang muna ako kasi yung mga bagets lang nandun, nasa Bacolod kasi sila ni Tito Bong. Kaya dito muna ako ngayong weekend.

"Ate Ly, bakit hindi niyo pa po sinasagot si manong? Gusto na po kitang maging kapatid" Dani said out of no where.

Kami lang yung nandito ngayon, hindi pa kasi umuuwi yung dalawang boys.

When I looked at her ang serious niya. Hahah.
"Uhmm. I dont know? It depends eh" sagot ko naman.

Sumimangot naman siya.
"Bakit po it depends?"

"Basta. Tsaka pwede mo naman akong maging kapatid kahit hindi pa kami ng kuya mo eh." I answered.

"Ehh ate bakit nga? Mas maganda paring kayo na ni manong" sabi niya.

Ang kulit.
"May hinihintay pa ako" sagot ko nalang.

"Ano naman po yun? Promise hindi ko po sasabihin sa iba. Sige na ate, tell me na. Please" may pa pout pout pa talagang nalalaman.

I just sighed.
"Kasi sa totoo lang sasagutin ko na naman sana si Kief, naghihintay lang ako na tanungin niya" I whispered.

Lumaki naman yung mata niya.
"What!? So all this time dahil lang dun?" She exclaimed.

"Aray naman Dan. Hinaan mo yung boses mo, magkatabi lang tayo oh" sabi ko.

"Oh my God, so sister na talaga dapat sana kita ate? Youre just waiting na tanungin ka ni manong? Ahh. Walang hiya naman yang si manong eh, pagsabihan ko nga." Dirediretso niyang sabi.

Ako naman yung nagulat this time.
"Dont! Kakapromise mo lang na hindi mo sasabihin sa iba eh." I pouted.

She sighed naman.
"Hayst. Fine po ate. I just cant believe manong did not ask you pa."

"Ask what? Anong itatanong ko kay Ly?"

Muntik na akong mabilaukan sa sarili kong laway nung marinig ko yung boses ni Kiefer. Walanghiyangpakwan!

Pareho naman kaming nagulat ni Dani. Buti nalang talaga mabilis siyang mag-isip. Yun ngalang waley, dinamay pa talaga ibang tao.

"Ahh ehh, sabi ko po, tatanungin niyo po si ate Ly kung, ano, na kung sino yung mas gwapo sa inyo nung ex niya! Yun po manong." Sabi niya agad.

Hay naku.

Nagpabalik balik naman yung tingin ni Kiefer sakin at sa kapatid niya. Then his eyes settled on me and smirked. Alam ko ng isasagot niya dito.

PRESENTing the PAST (KiefLy)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora