𝑾𝒊𝒄𝒌𝒆𝒅 𝑾𝒐𝒎𝒂𝒏

36.2K 1.1K 97
                                    

𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 𝑶𝒏𝒆 : 𝑾𝒊𝒄𝒌𝒆𝒅 𝑾𝒐𝒎𝒂𝒏
Aug. 6, 2016


— ✧ —

THIRD PERSON POV


Assassin’s Mansion

“WHY did you lie to me, Reed Alexis? Magkaibigan tayo ng mahabang panahon yet you dare to hide this thing from me!? How could you do this? Alam mo ba kung gaano kasakit itong ginawa mo? Para mo na rin akong pinatay!” Asik ni Chaos kay Reed. Nanlilisik ang mga mata nito dahil sa galit.

Matapos ang nangyari ng madaling araw ay bumalik rin si Chaos kinaumagahan. Wala na ang ibang tao sa mansion, Summer, Thalia, Theodore and Nicholas ay pinabalik na ni Quentine sa Villa. Autumn and Quentine are back to business, nagpaiwan lang si Reed dahil alam nyang kailangan pa nilang mag tuos ni Chaos.

“I know my mistake and I am so sorry for hiding this, Chaos.” Iyon lang ang tanging nasabi ni Reed sa kababata.

Ibinagsak ni Chaos ang mga kamay sa mesang kainan since sa dining area sila nag-uusap.

“Sorry? Iyon lang ba ang tanging maririnig ko mula sa‘yo? Putang ina, Reed! I need a clear explanation for this!? Bakit sa lahat nang mukha ay ang mukha pa ng kapatid mo ang ipinalit mo sa mukha nang babaeng iyon? Persephone... perhaps that bitch knew about this pero nanahimik rin sya! Humanda sya sa akin, I’m sure going to end her life with my own bare hands! In the first place siya naman talaga ang may sala sa lahat ng ito, she’s the reason why she died.” Chaos was fuming mad, namumula ang mukha nito at kitang kita ang ugat sa sentido nito na lumalabas kapag nagsasalita ito.

“You know how much I love my sister, Chaos. Kung ako lang ang masusunod ay hindi na sana mangyayari iyon. It was father and Lord Zeus’ idea... I tried to object, believe me I tried father not to pursue the procedure but who am I compare to our Lord? Wala akong nagawa, Chaos. I can’t do anything against him. Kaya masakit rin sa akin na makita ang mukha ng kapatid ko dahil sa araw-araw na ginawa ng Diyos, ang gusto ko lang gawin ay patayin si Persephone dahil sa ginawa nya. She killed my sister, do you think ikaw lang ang nagsa-suffer? I suffered every day, Chaos. Every fucking day!” Hindi na napigilan ni Reed ang magtaaas ng boses, he used to be a calm person. He si always calm and composed, pero sa sitwasyon na ito lalo na kapag kapatid niya ang napag-uusapan ay nag iiba ang timpla niya. So many emotions is triggered just a mere mention of his sister.

Reed continued, “Hanggang sa unti-unti ko nalang inaccept ang lahat, I treated her like her—like my own sister, I did love her like she’s the real one. Nandiyan na siya, ano pa bang magagawa ko? Hindi ko naman siya kayang hindi tingnan dahil mukha nang kapatid ko ang kanyang mukha. I can’t just ignore her that’s why I treasured her like my own family.” Paliwanag pa nito.

Napipilan naman si Chaos at hinang-hina na napaupo sa silya. Ipinatong nito ang mga braso sa mesa at yumukod. “But I can’t, Alex...” he let out a deep audible sigh. “You know how much I love your sister to death... At nang namatay siya, I felt like dying too. Everything went downhill, I was lost. Nagunaw iyong mundo kong binuo kasama siya. I felt hollow at nawalan nang saysay pa ang buhay ko. Kaya nga lumayo ako at napunta sa Dungeon diba? Dahil gusto kong makalimot... pero nang makita ko ang babaeng iyon parang bumalik lahat ng sakit! That moment when I saw her lifeless body and blood all over her!” A tear fell from his eyes. Marahas na pinunas nito iyon. “Hindi ko alam kung kakayanin kong makita siya araw-araw, dahil pakiramdam ko ay ilang kutsilyo ang tumutusok sa buong pagkatao ko. I realized the wound is indeed deep, na hindi pa talaga humuhupa ang sakit. Na hindi pa tuluyang naaalis sa sistema ko ang kapatid mo, na hanggang ngayon ay siya lang ang babaeng mahal ko at mamahalin ko.”

TMH II: Chaotic World (Part Two) - editingWhere stories live. Discover now