𝒁𝒆𝒓𝒐'𝒔 𝑰𝒅𝒆𝒏𝒕𝒊𝒕𝒚

30.3K 1.3K 719
                                    

Chapter 19: Zero's Identity
10.15.16 - unedited
-♦-

Monggugulat ka! xD

THIRD PERSON POV

TAHIMIK ANG LAHAT SA villa pagkatapos matuklasan ni Rett ang katotohanan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin sya makapaniwala sa nangyari pero iyon talaga ang totoo... Kaya pala ng una nga itong makita noon sa Forbes Tower ay parang pamilyar ito. Kahit hindi rin tanungin alam nyang may nalalaman si Queen sa katotohanan. Si Flynn na hindi nya inaasahan na maglilihim rin, pero hindi nya ito masisisi. May sinumpaan itong tungkulin at iyon ang pinanghahawakan nito.

"Can't believe it? I was like that at first when I found out the truth" napatingin sya kay Queen na syang tumabi sa kanya sa balkonahe na kinaroroonan nya.

"Kailan mo pa nalaman?"

Ibinuga muna nito ang usok ng sigarilyo mula sa bibig, "Matagal na rin, ilang buwan na rin siguro."

"Why did you not tell me? Kaya pala hindi ka sumang ayon na i-ban ang mga assassin dahil sa kanya... but how come she became an assassin?" he asked.

"It's not my story to tell, Rett. I respect Quentine's decision dahil alam kong may rason sya sa mga ginawa nya." she paused and puff, "You know her, when she decides it's for the good of everyone. Kaya minsan naiinis ako sa babaeng yun, napapabayaan na nya ang sarili nya dahil inuuna nya pa ang kapakanan ng iba kaysa sa sarili nya. I can't blame her"

"Yea, she's selfless..." mahinang sambit ni Rett pero sapat lang para marinig ni Queen. "I can't believe that I was actually threatening my own cousin! Just what the hell" he added and shook his head in disappointment.

"Wala namang sumisisi sayo, kahit sino naman siguro ang nasa kalagayan mo ay ganun din ang magiging gawain."

Hindi na umimik si Rett doon. Ano pa bang magagawa nya? Nangyari na, mabuti nalang talaga at hindi nya naisipang iputok ang baril dito dahil kung nagkataon napakalaking kasalanan ng nagawa nya. Bukod pa roon, tama nga si Quentine sa sinabi nitong no one can kill her... because part of him was afraid to pull that trigger like something's stopping him to do so.

"Her family is alive"

Gulat na napatingin si Rett sa sinabi ni Queen, "What? H-how?"

"It's what her comrades told me. Nasa poder nila ang mga magulang ni Quentine but they got escaped at hindi na nila alam kung nasaan pa ang mga ito." pagpatuloy ni Queen though hindi nya pa pwedeng aminin na alam nya ang kinaroroonan ng kapatid nito. Ayaw nya ring pangunahan si L sa mga balak nito dahil katulad ni Quen, mahirap isipin ang mga susunod na plano ng magkapatid. They were both unfathomable.

"Anong balak na ni- ni Van... I mean ni Quentine?" hindi malaman ni Rett kung ano tamang itawag sa pinsan nya.

Nagkibit balikat si Queen, "Nada... sya lang ang nakakaalam ng mga plano nya eh."

Malalim na napabuntong hininga si Rett at tumingin sa kawalan, "She'd changed so much. I want to know what really happened to her at kung bakit nag iba ang mukha nya but it seems like I need to wait for her to speak up."

TMH II: Chaotic World (Part Two) - editingWhere stories live. Discover now