𝑯𝒆𝒓 𝑮𝒖𝒂𝒓𝒅

28.6K 1K 84
                                    

Chapter 3: Her Guard

8.9.16 | unedited


— ✧ —

Third Person’s POV

Green University

"SERIOUSLY BRO? Marriage? He wants marriage for the merger? Eh di wag na lang! Kawawa naman si Vanessa, panigurado gagamitin lang sya ng lalaking yun sa sariling interest." Saad ni Harold na nakahiga sa sofa sa Head Quarter nila sa GU at nalalaro sa iPad mini nito.

Pabagsak naman na naupo si Ruzell sa isang single couch. Sa isang kamay nito ay baso na may lamang beer, tinungga nito ang laman bago nagsalita. "Yun na nga ang punto ko, but three of them are agreeing with Mr Xavier. Mabuti nalang at hindi rin pumayag si Rett sa balak ng lalaking yun."

"Reid, I think it's better if Lazovsky merges with Algeria." sambit ni Jay na nakasandal sa pader na malapit sa pinto.

"Pati ba naman ikaw Jay?" Tila naiinis na sambit ni Ruzell sa kaibigan.

"Hindi naman sa kinakampihan ko sila, ang point ko lang sa usaping ito ay sa kinalalagyan ng community. We are unstable, Reid. Hindi pa sapat ang mga connection ng mafia ngayon compare sa power of connection ng Lazovsky." Paliwanag ni Jay sa kaibigan.

Yumuko si Reid, "I know that but..."

"Everyone knows that, Reid. Alam ng lahat ang kalagayan ng mafia ngayon, isa pa... may fiancée kana rin Reid. Labas kana sa usaping kasalan kay Vanessa, you have your own bride-to-be so you better prevent yourself to be involve to her personal life."

Naihilamos ni Reid ang kamay sa sariling mukha, "Fiancée... fuck that word. I don't even needed it in the first place!" sigaw nito at ihinagis sa sahig ang baso.

Napatigil si Paulo na tahimik na nagbabasa sa isang tabi, kahit si Harold ay nahinto rin sa paglalaro. Lahat sila ay napatingin kay Ruzell na mukhang miserable sa buhay nito.

"You hated me that much, Reid? You should have told me before or at least tell me personally that you don't like me to be your fiancée although it hurts coming the truth from your mouth. Don't worry, I'll tell father to call off the wedding."

It was Ariana na hindi nila napansin na nakikinig pala sa kanila sa may pinto. Umalis ka agad ito pagkasabi nito, nakita rin nila ang luha sa pisngi nito.

Ginulo ni Reid ang buhok, "Damnit!" sambit nito bago tumayo at sinundan ang umalis na dalaga.

"Bakit nya pa susundan yun? Mas mabuti na siguro na marinig nya ang katotohanan." sambit ni Harold at bumalik sa laglalaro.

"Bro, may damdamin din naman yung tao. Kahit na may pagkabitchy yung si Ariana babae parin naman sya at nasasaktan. Palibhasa wala kang matinong babae na nahahanap, babaero ka kasi." singhal ni Paulo sa kaibigan at binato ito nang unan.

Tumama iyon sa kamay ng binata, mabuti nalang at hindi nabitawan ang iPad nito.

"Ano ba? Palagi nalang bang pagiging babaero ko ang pinagtutuunan nyo nang pansin everytime na eeksena tayo? Jusko naman, mawawalan ako ng fans sa inyo" himutok nito at padabog na tumayo sa sofa at lumabas rin ng HQ.

TMH II: Chaotic World (Part Two) - editingNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ