𝑭𝒆𝒂𝒓𝒔 𝒂𝒏𝒅 𝑻𝒆𝒂𝒓𝒔

26K 952 63
                                    

Chapter 4: Fears and Tears
8.10.16 | unedited.


— ✧ —
THIRD PERSON POV

Villa Estrada

"YUN ANG BILIN ni Quentine sayo? Ganun ba?" Tanong ni Queen sa kaharap na si Briana.

She nodded, "Yes."

Queen bite her lower lip, "So she has decided." wika nito at tumango tango paupo sa sofa bed sa loob ng kwarto mismo ni Briana sa Villa. "Sinabi mo na ba kay Rett ito?"

"Hindi pa, hindi ko pa sya nakikita. Mukhang kasama nya si Casper because I heard them talking about something tungkol sa Forbes Tower nung isang araw." Tugon ng dalaga,

"May saltik din sa kukute pala yang Xavier na yan e, ano namang koneksyon nang pagpapasakal- I mean kasal sa merger? Ano ka, collateral payment? Sabagay yun naman talaga ang parang nangyayari, if you refuse to marry him then there will be no merging, the end. Kalurkey, kung hindi lang siguro kailangan ng reinforcement ng Mafia chuchugiin ko sya." Queen said, gamit ang hintuturo gumuhit ito nang isang invisible line sa may leeg nito.

"As if you can, Queen"

Napanguso si Queen at nilingon si Flynn na nakasandal malapit sa pinto, "Ito namang si Flynn di man lang ako suportahan, wala ka bang bilib sa akin?"

"Forty Percent."

"Ouch ha, ang laking porsyento naman nun Flynn. I am so touch." Sarkastikong sambit ni Queen sa kanya. "Tsk, nasaan ba si Quentine ngayon? Hindi ko ma contact."

"She flew to Italy, may importante daw syang aasikasuhin doon." sagot ni Briana.

"Yung babaeng yun talaga, hindi man lang nagsama! Gusto ko pa naman pumunta sa Milan tapos makikipag date ako sa mga italyano doon, tsk! Dapat na inform ako, free ride pa man din yun." himutok nito.

"We do have a private plane too, Queen. Kaya lang, it's not for some leisure time." Komento ni Flynn. Umiwas ito nang batuhin ni Queen ng unan.

"Maki ride ka naman, reaper! Palagi mo nalang kinokontra mga sinasabi ko e!"

"I'm just stating the fact, Queen." kibit balikat na sambit nito at tumalikod na sa kanila bago pinihit pabukas ang seradura ng pintuan, "Kailangan ko nang umalis, I'm getting back to work." saad nito and left.

"Hardworking talaga yang babae na yan, kaya hindi nag b-bloom ang lab layp eh. Puro work, work, work, work, work." wika ni Queen and sang the last words she said from a certain song.

"I am afraid. I don't want to marry him, Queen. Ni hindi sumagi sa isip ko na darating sa puntong magpapakasal ako sa taong hindi ko kilala. I'm just a copy cat, a double, a fake one... you name it! I'm a master of disguise but I don't want to tie my life to a man I barely knew." biglang bulalas ni Briana kaya napatingin sa kanya si Queen.

Kinuha nito ang isang unan pa at ibinato kay Briana, tumama iyon sa mismong mukha nito.

"Ano ba, Queen? Nagda-drama yung tao eh!"

Umismid si Queen at humalukipkip, "Pwes tigil tigilan mo yang pag mo-moment mo, hindi bagay sayo. Kilala ko si Quentine, she's not going into something if she's not sure what the out come is. Tuso yun mag isip kaya kalma ka lang, kung madali nyang naplano ito then mas maganda dahil ibig sabihin nun ay ready na ang plan B nya. Tiwala lang, bitch."

TMH II: Chaotic World (Part Two) - editingWhere stories live. Discover now