Jon.
Jun.
Jhan.
Jan.
Juan.
Jhon.
JOHN.
Basta. Kahit ano'ng version talaga ng 'John' nalilink o nagkakaproblema ako. Minsan nagiging boyfriend ko. Tapos, iiwanan at masasaktan ako. Pero madalas nagiging type ko. Nagiging crush. Hindi naman mapapasaakin. Ang ending, masasaktan din ako. Ewan ko ba at kung may ano'ng sumpa ang pangalang 'yan sa buhay ko.
Nakita ko nga sa facebook post na top 1 daw 'yang pangalan na 'yan sa mga manloloko eh. I'm not being racist pagdating sa pangalan. Pero naman kasi eh! Palagi nalang na ganun.
Nakaupo lang ako sa may bench malapit sa football field habang nakikinig ng musika sa cellphone ko through earphones. I glanced at my wrist watch, 1:05 pa lang. Hay, ang tagal mag-2:30, first subject ko for the day. Biology 2b.
Nakita ko ang pamilyar na sapatos na itim ng isang lalaki sa harapan ko kaya agad ko namang itinaas ang ulo ko para tignan siya. Hindi nga ako nagkakamali. Sapatos ng manloloko.
I stared at him fiercely while putting off my earphones.
"What?"
"Trish. Please, mag-usap naman tayo oh." Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan nang mahigpit.
"Ano ba? Let go of my hand. Bitawan mo nga ako. Baka makita pa 'to ng girlfriend mo at sabunutan ako!" Sabi ko at tumayo na para umalis. Nakakainis naman! Tumambay nga ako 'don para magpahangin tapos dadating dating pa siya. Kainis lang!
Hindi ko namalayan na nakasunod pala siya sa akin. Huminto naman ako at hinarap siya.
"Ano ba Juan Manuel? Kailan ka ba titigil ha?" Tanong ko.
"Trish. Nagkamali ako. Ikaw ang mahal ko. Kailangan kita ngayon. Pagkakataon pa. Please." Pagmamakaawa niya.
Oh please, pagod na ako sa mga ganyan. Ilang beses ko na bang narinig ang pagkakataon na 'yan mula sa kanya? Isa, tatlo? Hindi, limang beses na!
"Mahal mo ako? Hah!" I laughed between my words. "Ako ang mahal mo pero binuntis mo siya? Asan ang pagmamahal 'don?"
"Maniwala ka naman oh, nagkamali nga ako. Ikaw ang mahal ko!" Lumapit na siya sa akin pero pilit naman akong umiiwas.
"Mali nga ang ginawa mo kaya itama mo. Magsama na kayo, bumuo ng pamilya. Sige na please! Wag mo na akong guluhin." Totoo naman. Ayos na ako eh. Ano pa ba 'yung ilang beses na iyakan ko siya. Parang naubos na rin 'yung luha ko sa mga ginawa niya. Panis na 'yung 'pagkakataon' sa diksyunaryo ko kaka-abuso niya.
Nagkaroon ng saglit na katahimikan sa gitna namin. Nasa hall way kami ng Social Science Building. Konti pa lang ang tao dito kaya wala masyadong nakakapansin sa amin.
"Hindi mo man lang ba ako ipalalaban?" Mahina niyang tanong. I saw sincerity in his eyes. Nanlalambot na naman ang puso ko. But, no. Never again will I ever believe upon those apologetic eyes. Ilang beses na akong naloko ng charm at pa-cute na yan eh!
Nag-isip ako bago magsalita. Napalunok ako ng laway. Tumingin ako sa paligid ko para kumuha ng bwelo sa sasabihin ko.
"Sabi nila, kung mahal mo, ipaglalaban mo. Ang tanong, mahal ka rin ba talaga?" Huminto ako. We were looking at each other's eyes. But I know mine was perfect no emotion. "Mahal ka rin ba niya talaga? Kasi kung mahal ka nga, hindi 'yan gagawa ng bagay na kailangan mo pang ipaglaban pa." Sabi ko tapos umiwas ng tingin. Nabuntong hininga ako.
ESTÁS LEYENDO
Trouble With Johns
De TodoThey say, "In love nothing matters but your feelings for each other." Even numbers like distance and age have nothing to do with it. Or even one's status in life. Just like Romeo and Juliet's love story. Kapag in love ka daw, hahamakin mo ang lahat...
