Nasa hallway na ako ng Engineering Building. Uuwi nalang ako. Wala din naman daw si Sir Gomez para sa Education 201 namin kaya matutulog nalang ako.
Pagkalabas ko ng hallway, kailangan ko pang dumaan sa isang maliit na kalsada. May dumaan na isang sasakyan. Naalala ko naman si Wary. Ngayon lang nagsink in ang lahat. Hinatid niya ako for real at hinawakan pa ang braso ko! Goodness talaga.
Naghintay muna ako sa kabilang daan dahil maraming sasakyan ang dumadaan pa.
I saw someone on the other side of the road laughing with a girl. And it broke my heart. Ang paraan kung paano tumawa ang babaeng kasama niya ay parang ganoon din ang tawa ko noong palagi kaming magkasama.
Nagwiwild na ang puso ko, nanginginig pa ang tuhod ko. Gusto kong umiyak. Gusto kong umiyak kahit pa nasa kalagitnaan ako ng maraming tao.
So ano 'yun? Gagahan? Kung saan hopiang hopia na ako, iiwan niya at hahanap ng ibang kalandi-an?
Nakatingin lang ako sa kanila at aksidenteng nagtapat ang mga mata namin. Pilit kong ngumiti sa kanya pero umiwas naman siya ng tingin na parang hindi ako nakita. Durog na durog ang puso ko. Naiwan ako doong tulala na para bang hindi ko alam kung bakit napunta ako sa sitwasyong ganito.
Nais kong manatili sa lugar na 'yun. Umupo at umiyak. Ngunit kailangan kong tumawid. Wala nang sasakyan at nagsisimula na rin ang mga tao sa paglalakad. Pati siya. Sila.
So with all the force I've got, I managed to cross without looking at him. And I know he's not looking at me either!
Umakto akong walang paki-alam ngunit ang totoo, sa sandaling nagkalapit ang mga balikat namin gusto kong hablotin ang kanyang mga braso para pigilan siya sa paghakbang at itanong kung ano ang problema. Bakit ganon siya? Bakit niya pinaramdam sa akin na espesyal ako at sa bandang huli ay iiwan rin naman? Bakit niya ako pinaasa na hindi ako mag-iisa sa mga panahong ito? Bakit niya ako binigyan ng kasayahan at papalitan din naman ng kalungkutan? Bakit, bakit ako pa!?
Sana naging matatag ako! Sana alam kong ganito lang naman pala ang gagawin niya eh di sana iniwasan ko siya.
Akala ko iba siya. Akala ko na rin siya na eh. Ang kasalanan ko lang ay, akala ko lang pala ang lahat! Goodness. Umasa ako. Umasa sa isang hindi malinaw na pagkakataon.
We kept on walking. Away from each other.
Nakahinga lang ako ng maluwag nang makalayo na ako sa lugar na 'yun. Ang tanong kong ano ang sitwasyon namin ay nasagutan na.
'Yun na ang kasagutan. Tapos na ang lahat sa amin kahit wala pa kaming nasimulan. Ugh! Nakakatawa.
-
"You sure no girl friend with you?" Tanong ko kay Jasper habang kunwari'y may hinahanap sa likuran niya.
"Wala nga. Ang kulit nito. May tour sila sa isang subject nila kaya nandito ako ngayon." Ouch. Broke my heart. So ganon? Hihintayin ko pa palang matapos ang oras nila bago ko makakasama ang best friend ko. Sana may tour nalang sila palagi!
Wala naman akong problema sa kanya bilang girlfriend ni Jasper eh. Ang problema lang kung bakit ang bitter niya sa akin! Hindi ko naman siya inaano. At sa una palang alam niyang best friend ko lang ang isang 'to! Tapos tatanggalan pa ako ng karapatan. Kainis! Sana kapag tinanggap nila ang bestfriend namin, tanggapin din naman nila kami.
Pero wala. Wala na akong magagawa. Kailan kong tanggapin 'yun. Sa mga sandali ngayon, walang taong gagawin ako na priority. Wala. Kaya shut up nalang talaga ako!
"So what happened with this Arjhon?" Nakangiti niyang tanong. Ngiting nakakairita.
Naaliw naman akong pinamamasdan ang mga batang nag-iinsayo ng soccer sa field.
Napabuntong hininga ako at sumagot ngunit hindi nakatingin sa kanya. "Hay. Another Juan Ma, I guess."
"Nakabuntis din!?" Malakas niyang sagot kaya mabilis napunta sa kanya ang atensyon ko. May ilang nakarinig nun kaya binilugan ko siya ng mata. Goodness naman talaga Jasper John oh!
"Sira, hindi. 'Yung tipong manloloko. Paasa. Ganon ba." Sagot ko sa kanya at huminga ng malalim.
Hindi naman siya umimik. Parang may inisip. Naghintay ako ng sagot pero wala akong narinig kaya ibinalik ko nalang ang atensyon ko sa mga bata. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Nais ko siyang tanungin kung may problema ba siya o ano pero hinayaan ko nalang.
Ngayong mga saglit, natuto akong huwag ng magdig deeper sa kung ano man. At masasabi ko na rin siguro na, sa pagkakataong ngayon nasanay na akong mag-isa. Masasanay ka naman talaga kung sa kabila ng lahat, wala kang ibang kasama kung di ang sarili mo lang.
Nagmahal ka man ng iba, alagaan ka man nila, kapag iniwanan ka, sarili mo pa rin ang nandiyan. Kaya nais kong maging matatag sa pag-iisa kung sa gayon hindi ako mabilis mabiktima ng samo't saring paasa.
Tinignan ko si Jasper kung saan busy na rin siya sa panunuod ng mga batang nagsosoccer.
At 'yun nga, kahit pa may tinatawag kang matalik na kaibigan. Kailangan mo pa ring sanayin ang sarili mong mag-isa dahil sa bandang huli, may mag-aari sa kanya. At hindi ikaw 'yun. Hinding hindi na magiging ikaw 'yun.
"Tara, kain tayo ng isaw sa labas." Nakangiti niyang sambit sa akin.
"Sigurado ka? Walang magagalit? Baka may-" Hindi ko pa natapos ang sasabihin ko ay hinbablot na niya ang braso ko at kinaladkad palabas ng campus.
Wala talagang makakatalo sa isaw nilang Aling Pasencia at Manong Teadoro dito malapit sa isang computer shop. Relationship goals sila eh, magtinda ng isaw kasama ang isa't isa.
Minsan kapag bumibili ako, naglalambingan pa siya. Pero madalas, nagtatalo sila tungkol din sa negosyo nila.
Umalis si Jasper para bumili daw ng soft drinks. Ewan ko ano'ng nangyari pero libre niya ngayon ang lahat. Kung dahil 'to sa tour nila Beatrix, uulitin ko ang panalangin ko kanina: sana, araw araw silang may tour!
"Bakit minsan nalang kayong magkasama ng boyfriend mo, ha?" Biglaang tanong ni Aling Pasencia kaya naman nagulat ako.
"Ano? Ano po?"
"Yun oh, ang boyfriend mo." Sabi niya sabay turo sa kay Jasper na nasa sari-sari store sa kabilang kalsada.
Tumawa naman ako. "Ano ka ba Aling Pasencia! Kaibigan ko lang ho 'yun!"
"Nako, kaibigan lang ba?" Echosera talaga 'tong si Aling Pasencia forever. Nasa 50s na siya pero nakakasabay pa rin sa mga teenagers na kanyang pinagtitindahan.
Tinignan niya ako sa mga mata kaya medyo huli na bago ako makasagot. Ngumiti ako sa kanya. "Oo naman po! Ano ka ba?"
"Eh bakit parang nalungkot 'yang mga mata mo?" Talaga? Hindi naman ah. Ang kulit talaga nitong si Aling Pasencia. Kung alam niya lang na may girlfriend na kaya 'yang kaibigan ko.
"Ha?" Nais ko pa sanang sabihin sa kanyang may love life na si Jasper na pinagkakamalan niyang boyfriend ko kaya nga lang dumating siya bigla.
Inabot naman ni Manong Teodoro ang isang supot ng isaw kay Jasper. Yesssss, excited na akong kumain nito!
"Tara, 'dun tayo kumain ng isaw sa kiosk." Yaya ni Jasper.
Nagpaalam na ako kay Aling Pasencia. Ngumiti naman siya at kinindatan pa ako! Goodness talaga.
"Eh ano naman ang nakain mo ha?" Tumigil ako sa pagsasalita para isubok ang natirang isaw sa stick na hawak hawak ko. "Bakit nanlilibre ka ngayon?"
Patuloy lang siyang kumakain ng isaw. Grabe talaga ang epekto ng isaw ni Aling Pasencia! Nagiging bingi ka na, nakakalimutan mo pa ang kaibigan mo.
Tumahimik nalang ako at ininom ang soft drinks na nasa plastic na hawak hawak ko rin.
"Wala, namiss ko lang 'to." Tinignan ko siya matapos niyang sabihin 'yun ngunit hindi siya nakatingin sa akin. Magsasalita pa sana ako pero nagpatuloy siya sa pagsasalita at tinignan ako. "Namiss kita." Kasabay nun ang pagliwanag ng ilaw sa gilid ng kiosk kaya naman kitang kita ko ang liwanag sa kanyang mga mata.
ВЫ ЧИТАЕТЕ
Trouble With Johns
СлучайныйThey say, "In love nothing matters but your feelings for each other." Even numbers like distance and age have nothing to do with it. Or even one's status in life. Just like Romeo and Juliet's love story. Kapag in love ka daw, hahamakin mo ang lahat...
