Part 20

22 2 0
                                        

Pilit ko mang sinasabi na wala na akong pakialam sa kanya, walang araw na hindi ko siya naaalala. Hindi ko makakalimutan ang araw na 'yun. Ang araw ng huli naming pagkikita. Ang araw kung saan sobrang tanga ko talagang magdesisyon. Araw araw na tumatakbo sa isipan ko iyon. Minsan, napapanaginipan ko pa at it felt so real.

I've let go the one I wanted the most without even trying to fight for him. And I guess, that's a horrible thing.

Sana naman nasa gitna ang pagsisisi para naman marealize mo na bago pa maging huli ang lahat.

Simula ng araw na 'yun, hindi ko na nakita si Jan Wary. I thought I will be fine with it. 'Yun ang hiniling at ginusto ko eh para maging madali ang pag-iwas ko sa kanya. But I was wrong. Very wrong.

Isang linggo ang nakalipas mula noon, hindi ko pa rin siya nakita at hindi na rin ng paparamdam kagaya ng palagi niyang ginagawa. At doon ko na naamin sa sarili ko na namimiss ko na siya. His face, his smell, his presence. Siya.

Kaya isang araw, hindi na ako nag-alinlangan pang pumunta ng faculty room at hinanap si Miss Nove, kapatid niya, upang itanong kung bakit ilang araw ko na siyang hindi nakikita. Baka pinagtataguan lang ako or what. At least, alam kong iisang hangin lang ang hinihinga namin.

Pero hindi. Wala na siya. It was too late. I was too late.

"Oh dear, he decided to continue his studies in France. I don't know what changed his mind. Why did he accept our mom's offer. Alam ko namang ayaw niyang mapalayo dito. But, well. Maybe, people change."

People change. Feelings change.

Wala na siya. Umalis siya nang dahil sa akin. Umalis siya because he was rejected. By me. Ugh! Ang kapal kapal ko! I've caused him to leave home. Kapag naaalala ko 'yun, there is this stab inside my heart. At ako rin naman ang may gawa noon.

Tinawagan ko siya, chat at text pero wala na talaga akong access sa kanya. Gusto ko siyang makausap upang sabihin, kahit sa huling pagkakataon na, mahal ko siya at handa na akong tumayang masaktan. At least, si Jan Wary at kay Jan Wary. Ika-nga ni Augustus Waters kay Hazel Grace Lancaster, it will be a privilege to have this heart broken by you.

During those times, Jap and I had our way back to our friendship. He became my shoulder to lean on, again. Ipinarealize ni Jasper sa akin na hindi nakakatakot mainlove sa mga taong may pangalang John. Mas nakakatakot 'yung inlove na inlove ka na, pilit mo pang binabawi. Nasa harap mo na siya, binalewala mo pa.

Kasi 'yung totoong mas nakakatakot ay ang iwan ka ng taong mahal mo. Hindi ang mainlove.

Wala naman sa pangalan, economical status, age, etc. yun eh. Nasa iyo pa rin ang desisyon kung ipaglalaban mo ba o hindi.

He is a John but he was worth fighting for. At 'yun ang hindi ko ginawa para sa kanya. Naunahan ako ng takot. Now the answer was, I let him go because I was a freakin' coward.

All I can do right now is to hope and pray na sana, isang araw bumalik siya. Ngunit hindi lang sapat 'yun. Sana bumalik siya at ganoon pa rin ang kanyang nararamdaman para sa akin.

"Miss Benjamin, pauwi ka na? I heard ginagawa ang engine ng sasakyan mo. Umangkas ka na muna dito sa motorsiklo ko. Let's also have coffee." Masayang salabong sa akin ni Sir Jonas sa hallway. He is indeed hot and charming. No wonder patay na patay si Miss Garcia sa kanya. Pero ewan ko ba bakit hindi ko kayang ituon ang atensyon ko sa iba.

I always thought of the idea of him coming back.

"Ah, si-"

"Miss Benjamin!" Hindi ko pa natapos ang sasabihin at dumating na siya. Mabilis talaga 'tong radar ni Miss Garcia kapag nandito si Sir Jonas.

Trouble With JohnsWhere stories live. Discover now