Nagising ako sa isang panaginip kung saan di ko mawari kung maganda ba o nakakatakot. Lunes nga pala ngayon at ito ang tunay na nakakatakot na realidad.
After kong magbreakfast kasama ang pamilya ko, umalis na kaagad kami ni Papa. Hindi pa rin kasi maayos ang engine ng sasakyan ko kaya ginusto ni Papa na ihatid ako. Namiss ko rin naman kasi 'to.
Habang nasa biyahe, we had casual talks hanggang sa umabot sa lovelife ang usapan.
"Eh, kailan ka naman mag-aasawa?" Tanong niya.
"Pa! Stop it."
"Paanong mag-aasawa eh wala namang boypren." Pang-aasar niya sa akin. Minsan talaga si Papa walang kasing kulit. Wala naman akong maitutugon kaya inirapan ko nalang siya.
"Nako, Camillia. Matanda na kami ng Mama mo, kailangan na namin ng apo." Hindi pa rin talaga titigil 'tong ama ko. Mas excited pa yata sila kaysa sa akin. "Maganda ka naman, matalino. Balita ko, laging nakabuntot sa'yo yang Sir Jonas na 'yan. Pwede ko ba siyang makausap mamaya?"
"PAPA!"
Tumawa pa ang loko. "Ano?"
"Wala, sabi ko nandito na tayo. Bababa na ako." Sabi ko sa kanya nang nasa harapan na kami ng paaralan.
Hininto niya ang sasakyan at agad naman akong bumaba. Napansin kong lumabas din siya at sumunod sa akin.
"Teka, saan ka pupunta?" Tanong ko.
"Kikilalanin ko lang 'yang si Sir Jonas na yan." Nanlaki ang mata ako sa gulat kaya mabilis ko siyang hinabol.
"Papa papa!" Niyakap ko ang braso niya.
"Good morning Teacher!" Bati ng isang bata kaya nag-fake smile ako at bumati rin. Hinila ko si Papa palabas ng school. Ano bang trip nito sa buhay?
"Pa! Ano ba!?" Uminit na ang ulo ko.
"Nagbibiro nga lang si Papa eh! Ikaw, palagi nang mainit 'yang ulo mo ha! Aalis na ako. Mag-ingat ka." Agad namang naging mahinahon ang sarili ko. Hays! Si Papa talaga, palibhasa only child ako. "Sa susunod nalang!"
"Goodness!" Pumasok na siya sa kotse at humarurot paalis. "Ingat!"
"Ang cute niyo ni Papa mo no?"
"Ay sapaw!" Bigla kong nabigkas dahil sa gulat. Nasa likod ko na pala si Sir Jonas. "Ahh, ikaw pala Sir."
Nagsimula na kaming maglakad patungo sa faculty room.
"Ano naman ang pinag-usapan niyo ni Papa mo? Bakit ang saya-saya niya?" Masiglang tanong ni Sir.
Eh paanong hindi sasaya eh tinutukso ako! Feel na feel kasi niyang maging tayo. Hays
"Ah, ano kasi yun... Ang-"
"Sir Jonas!" Sabay kaming lumingon sa boses na narinig namin. Finally, she's here!
"Sige Sir. I have to go. See you around." Kumarera na akong naglakad paakyat sa faculty room. Bilib na talaga ako sa radar ni Miss Garcia.
"Wait Miss Benjamin!"
-
Kanina pa ako na didistract sa pagtuturo dahil sa tunog ng cellphone ko dahil may nagtetext. Pero ngayong dismissal na, nagkaroon ako ng oras para basahin ito.
From: Unknown Number
Message 5:
Where are you? I might change my mind if you won't come.
Message 4:
Meet me mamaya sa mall. We'll talk about it. ;)
Message 3:
Nagpasya akong ibenta nalang sa'yo ang kwintas. Hihi
Message 2:
Si Jac pala 'to. 'Yung pinagsigawan mo sa mall na sana magbreak kami. Well, ganun nga ang nangyari.
Message 1:
Hi beautiful necklace maniac! :)
YOU ARE READING
Trouble With Johns
RandomThey say, "In love nothing matters but your feelings for each other." Even numbers like distance and age have nothing to do with it. Or even one's status in life. Just like Romeo and Juliet's love story. Kapag in love ka daw, hahamakin mo ang lahat...
