I was walking with Jap around the campus. Wala na kasi kaming class pareho at wala pang balak bumalik ng dorm. Boring naman kasi 'dun. Saka, malapit nang gumabi. We'll eat dinner together nalang din.
"Jap, akyat tayo sa Medicine Building please? Sa 4th floor. Sige na." Pagyaya ko sa kanya with smiling face.
He shrugged. "Bakit ba gustong gusto mo 'dun? Eh kung sa Business Building nalang kaya tayo? Isang floor lang 'yun. Nandon pa si Jan Wary. Ang taas-taas kaya ng Medicine Building!" Reklamo niya.
"Ays. Hayaan mo siya. Kung kami, kami talaga. Di, joke lang!" Tumawa ako. Wala naman siyang sinagot at nagblank face. "Sige na, kaya nga gusto ko 'dun eh, kasi mataas! Ang sarap magpahangin." Ngumiti ako sa kanya sabay kindat.
Napabuntong hininga nalang siya. Yay! Sign for a yes. Thanks besty!
"Tara na nga."
Patuloy lang kami sa paglalakad. Torture naman talaga ang pag-akyat sa Med Building lalo pa kapag hanggang 4th floor. Pero promise talaga, worth it kapag nakatapak ka na 'dun. Makikita mo ang buong Johnson University at idagdag pa natin ang sunset.
Nasa 3rd Floor palang kami nang biglang tumigil sa paglalakad si Jap. Kaya tumigil rin ako. Nauna kasi siya sa akin. Dumungaw ako sa may balikat niya para tignan ang rason bakit niya ginawa 'yun.
What I saw gave my heart one loud beat which resulted to a slight pain. Oo nga pala. How could I forget? Nursing pala si Sofia, girlfriend ngayon ni Juan Ma. In fairness lang, hindi pa masyadong malaki ang tiyan niya kahit 5 months na.
They were holding each other's hands while Sofia is leaning on Juan Ma's left shoulder. Mabuti nalang at nakatalikod sila kaya wala siyang kaalam alam na nasa likuran kami nila.
Napalunok ako ng laway. Mahal pala ha? Nakakatawa. Why can't he even match his words with his actions? Tama nga ang ginawa kong hindi nagpadala sa pagmamakaawa niya.
Liningon ako ni Jasper. "Ano, ayos ka lang?"
I looked at him in his eyes and smiled. "O-of course I'm fine. T-tara na nga!" Tinulak ko ang likod niya at nagsimula na rin siyang maglakad.
I'm fine. Of course I am. Pero naiinis lang ako. Bakit kailangan pa niyang sabihin na mahal niya pa ako kung masaya din naman siya sa piling ng iba? Ano'ng gusto niyang mangyari? Gulo? May nalalaman pa siyang ipaglaban. Huh, nakakatawang isipin pero salamat na rin at sa ika-limang beses naging matatag ako. Hindi ako nagpadala sa mga walang kwentang salita niya.
Sana naman, kung hindi na, hindi na! Nananahimik na ako eh. Tapos isang araw magpaparamdam nalang siya. Ano kaya 'yun?
Nakasandal pareho ang mga likod namin ni Jap habang nakatayo at pinagmamasdan ang tanawin sa malayo.
Nakita sa gilid ng mata ko na nakatingin siya sa akin ngunit hindi ko 'yun pinansin hanggang sa nagsalita na siya.
"Nakamove on ka na talaga Trish ha?" Sabi niya sa akin habang nakangiti.
"Oo naman, ako pa ba?" Hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa tanawin.
"Eh di mabuti. Ibig sabihin, may chance na ako." Tinignan ko siya na nakangiti na parang loko. "Joke lang! Ew, nu! Hindi ako papatol sa'yo!" At tumawa na siya.
YOU ARE READING
Trouble With Johns
RandomThey say, "In love nothing matters but your feelings for each other." Even numbers like distance and age have nothing to do with it. Or even one's status in life. Just like Romeo and Juliet's love story. Kapag in love ka daw, hahamakin mo ang lahat...
