Part 4

13 0 0
                                        

Gustong gusto ko siyang itext sa ikatatlong pagkakataon pero hindi ko magawa kasi baka isipin niyang nakakairita ako o demanding. Halos 45 minutes na akong nakatunganga at nakatambay dito sa isang coffee shop sa loob ng campus pero hindi pa rin siya dumarating. Kung may honor lang talaga ang paghihintay, valedictorian na ako!

Napabuntong hininga nalang ako. Kapag nag-alas sais na ng hapon at wala pa rin siya, uuwi na ako. Bahala siya sa buhay niya!

"Trixia?" Narinig kong boses mula sa lalaking nakaupo sa kabilang mesa. "Uyy! Hala, hindi namamansin."

Nang maramdaman kong ako pala 'yung tinatawag niya, humarap ako sa kanya. Si Isaiah lang pala, kasamahan ni Arjhon sa pagsasayaw.

"Ilang beses ko bang sasabihing, Trisha. Not Trixia. T. R. I. S. H. A." Pagsusungit ko sa kanya.

"Grabe, ganoon lang ang taray-taray mo na? Ganyan ba epekto ng kape dito?" Pagbibiro ni Isaiah.

Heh! Naiinis naman talaga ako eh. Ngunit hindi dahil dun sa pagkakamali niyang pagbigkas ng pangalan ko. It's a common mistake of everyone I met. Naiinis ako dahil mabuti pa siya nandito, si Arjhon wala! Eh di natanggal na sa mga pagpipili-an kong dahilan ang pagpapratice nila kaya hanggang ngayon wala pa siya.

"Nasaan si-" sabay pa talaga naming tanong sa isa't isa. Ngumiti naman ako sa kanya habang siya naman ay tumatawa.

"Si Arjhon? Akala nga namin magkasama kayo, wala siya sa practice kanina eh." Pagpatuloy niya.

Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Nasaan siya? Napapansin ko, sa mga nakaraan araw, madalang nalang kaming nagkikita o nagtetext.

Noong Lunes sabi niya magkita daw kami dito sa coffee shop sa Biyernes. Eh, Biyernes na eh! Hinihintay ko pa naman ang araw na 'to kasi nga namimiss ko rin makasama siya.

Oo, mabilis akong maattach sa isang tao lalo pa kung alam kong interesado rin to sa akin. At dahil na rin siguro sa katotohanang ayaw ko talagang mag-isa.

I stayed until seven pero wala talaga siya. Mas nauna pa ngang umuwi sila Isaiah. Kahit text o tawag na may gagawin siya o ano, eh wala akong natanggap.

Tinignan ko ng masakit ang cellphone ko. Nag-iisip kung i-kokontak ko ba si Jasper o hindi. Alam ko naman kasing kasama niya sa mga oras na 'to si Beatrix. And take note, nalaman kong ayaw niya ang presensya ko tuwing kasama niya si Jasper. 'Yun nga, ang karapatan kong maging best friend ay naputol na.

"Goodness!" Sigaw ko nang may marinig akong isang napakalakas na busina galing sa isang kotse. "Tarantado ka ha!" Hininto niya ang kotse niya at hinintay kong bumaba siya. Doon ko lang napagtanto na nasa gitna na pala ako ng daan palabas sa campus namin. Anak ng!? Sa bandang huli, kasalanan ko rin pala.

Yumuko nalang ako sa kahihiyan.

"Magpapakamatay ka ba?" As expected. Ganyan na ganyan ang tanong na maririnig mo sa ganitong sitwasyon. Hindi ako sumagot. "Trisha, wag ka ngang umasta na parang hindi mo kilala ang sasakyan ko!"

Naging pamilyar sa akin ang boses niya. Itinaas ko ang ulo ko at nagulat ako dahil siya nga. Talaga naman oh! Haggardness overload na naman ako tapos nakita ko na naman siya. Goodness!

"J-jan Wary?"

Tinignan niya muna ako mula ulo hanggang paa. Goodness! Nakakatunaw ang mga tinging 'yun ha. Pero mabagsik. I guess suplado na talaga 'to since birth. "Look, sa unang banda, ikaw ang totoong may kasalanan. Bakit sa gitna ka ba ng kalsada naglalakad?"

Alam kong hindi siya galit pero seryoso siya. Hindi na ako sumagot. Umiwas nalang ako ng tingin. Naalala ko kasi si Jasper. Sana ngayon kasama ko siya. Dapat nandito siya tapos kikiligin ako at paghahampas-hampasin ko siya dahil nagka-oras kami ng crush ko kahit sa isang hindi magandang paraan.

Bigla ko ring naalala si Arjhon. Naiinis ako sa kanya.

P a a s a.

Nakakairita! Nananahimik naman ako eh, bakit ba kasi dumating 'yun sa buhay ko tapos iiwanan ako ng ganito? Ugh! Goodness talaga.

Hindi ko namalayan na pinag-aaralan na pala ako ni Wary. Nandon lang kami, sa gitna ng daan, sa gitna ng mga matataas na puno ng tanim na parang niyog, nakatayo at magkaharap.

Bigla niyang hinila ang braso ko kaya napalit naman ang katawan ko sa kanya.

"Nasaktan ka ba talaga? Saan ang sugat mo? Halika na nga!" Sunod sunod niyang sabi kaya nawalan na ako ng pagkakataong sumagot pa.

"Diyan lang sa may berdeng gate." Mahina kong tugon at unang pagkakataong sambit ko sa kanya sa loob ng ilang minutong nakasakay ako sa kotse niya.

Sana nga di ba kinikilig ako ngayon? Kasi nga crush ko ang naghatid sa akin pauwi. Sana di ba masaya ako? Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit may kulang? May bumabagabag sa akin.

Si Arjhon. Hindi ko kasi alam kung ano ang kasalanang nagawa ko bakit hanggang ngayon di pa rin nagpaparamdam. Nakakalungkot lang kahit na hindi ko pa mawari kung it's the end of us na ba o ano. Nga pala, walang 'us'. Merong ako at siya. Pero walang kami.

Bumaba na ako sa sasakyan ni Wary. Hindi man lang nag-abalang buksan ang pinto.

Goodness Trisha! Sino ka ba? Duh.

-

Ang bilis ng araw. Natulog ako Biyernes, nagising nalang akong Lunes na pala. Parang wala kasi ako sa sarili ko sa loob ng ilang araw eh.

Hindi pa rin siya nagpaparamdam. Ang masakit lang eh wala kang ideya bakit. Sana naman sabihin niya. Kung kailan pang nasasanay na ako, 'dun na siya mang-iiwan.

If he can go days without talking to me, then probably I am not important to him. At 'yun nga, he did. Malinaw na sa akin ang lahat, hindi ako importante sa kanya.

Sana naman kung hindi pa pala siya sure sa feelings niya hindi niya ako nilapitan. Kaya heto, nag-iisa na naman.

"Jap, saan ka?" I texted him. I miss my best friend. So much. And in moments like this gustong gusto ko lang siyang makausap. Maybe it's the only therapy I need right now.

"Nasa library." Reply naman niya pagkalipas ng limang minuto. Yay! Napangiti naman ako. Pupuntahan ko siya at kakausapin at ikukwento ang lahat. Sigurado akong mababawasan ang kalungkutan ko pag nagkataon. Jasper knows what to say. Always.

"Pupuntahan kita."

"I'm with Beatrix and her friends. May problema ba Trish?" In fairness, mabilis ang kanyang pagreply.

Lahat ng pag-aasang makukuha lang ng bumabagabag sa puso at isip ko ay mabilis ring nawala. Nakakainis! Pati ba naman siya wala ng oras para sa akin? Ugh!

Bakit ba puro ka nalang Beatrix ha!? Kailangan kita ngayon Jap! Nagkagirlfriend ka lang kinalimutan mo na ang bestfriend mo! Magbebreak din kayo at hihingi ka rin ng advice sa akin! Nakakainis ka talaga Jasper John!

Kakatapos ko lang itype ang reply ko sana sa kanya. Ngunit ngayon hindi ko mapindot ang send button.

Sa bagay, ano ba ang karapatan ko? Sino ba ako para magdemand ng ganun?

"Naalala ko may practice pala kami. Sige, enjoy!" Reply ko. Saan ako magpapractice? Ano ang pagpapraktisan ko? Napabuntog hininga nalang ako.

Binulsa ko ang phone ko at patuloy na naglakad. Mabigat ang pakiramdam ko ngayon. Gusto kong bumalik na ng dorm.

Ugh, I just hate being alone.

Trouble With JohnsМесто, где живут истории. Откройте их для себя