Part 3

12 1 2
                                        

Mag-iilang weeks na rin ang nakakalipas simula noong una kaming magkakilala ni Arjhon. He's sweet, caring and humorous. Siya na palagi ang nakakasama ko except nalang kung may klase kami sa ibang subject.

Education ang course namin pareho ngunit Major in Social Studies ako. Siya naman, MAPEH. Oo, magaling siyang kumanta at sumayaw. Minsan, dinadala niya ako sa mga practices nila.

Alagang-alaga ako ni Arjhon at nasasanay na rin akong siya palagi ang nakakasama ko ngayon. Mas madalas pa nga kaming magkasama at magkausap kaysa kay Jasper. 'Yun naman kasi ang isa, minsan na rin lang nagpaparamdam ngayon.

"Nagustuhan mo ba ang kantang ginawa ko para sa'yo?" Tanong niya sa akin over the phone.

"Oo naman. Ang galing mo talaga, Ar." Sagot ko naman sa kanya at napahikab ako.

"Antok ka na, ano?" Kahit hindi ko siya nakikita, alam kong ngumingiti siya ngayon.

Tinignan ko ang oras sa cellphone ko. Mag-aalas tres na pala nang umaga.

"Medyo. Hihihi."

"Sige na, matulog na tayo. May pasok pa tayo bukas." Malambing niyang sabi sa akin.

"Sige, bye-bye." Inend ko na ang call.

Matulog na tayo. Tayo.

Pero hindi kami at nasasanay na akong ganito kami. Late night conversations and all. Mostly, mga kacornihan ang mga topic namin pero kinikiliti ako ng mga ito.

-

Nasa isang Thai Food House ako kasama si Jasper at ang isang magandang babaeng nakauniform ng Tourism. Siya si Beatrix, pinopormahan ng best friend ko. Siya din 'yung dahilan bakit ako iniwan noong ni Jasper sa Joe's at kung bakit kami nagkakilala ni Arjhon. Should I be thankful for that? At siya rin ang pinagkaka-abalahan ng kaibigan kong 'to.

Bagay sila. Maganda at inaamin ko, pogi din naman si Jasper. Matangkad siya at sakto lang ang katawan. Marami rin akong kilalang may gusto dito kaya hindi na ako magtataka kung bakit siya binigyan ng pagkakataon ni Beatrix.

Pero mukhang hindi kami magkakasundo ng babaeng 'to. Ewan ko, kahit sa aura palang niya parang hindi ko na gusto. At sa pagkakaalam ko, medyo mataray rin ito. Anak mayaman din kasi at kilala sa campus dahil na rin sa pagsali niya sa mga search o pageant dito sa Johnson University.

"Ew, that's gross!" Mataray niyang sinabi sa best friend ko. Habang ako, pinagmamasdan ko lang siyang gawin niya 'yun. Nakakatuwa nga eh, hilig pa rin pala niyang gawin 'yun. Sinasawsaw kasi ni Jasper ang tinapay sa coke na inorder niya.

"Masarap kaya, tikman mo. Oh?" Kinuha niya ang tinapay at isinawsaw muli pagkatapos ay isinubo niya kay Beatrix. Ngunit ito namang isa, todo tangging kainin 'yun. Nandon lang ako sa harap nila. Umiinom ng Gogo Nom Yen, Thai Ice Chocolate Tea.

Nilalanggam ako ngayon! Acting third wheel. Pero okay na rin 'to, at least di ba? Hindi ako nag-iisa.

Bigla naman akong nakaramdam ng kirot sa puso. Siguro ito 'yung tinatawag nilang 'Friend-Jealous'. Yun bang nagseselos ka pero in a kaibigan way lang.

'Yung mareremind mo ang self mo na, hindi mo siya palaging makakasama kasi nga nasa iba na ang atensyon na. Magiging mas busy na siya sa kay Beatrix. Nakakasad lang. Pero kung iisipin dapat masaya ako para sa kanya. Siguro nasanay lang ako na kasama siya.

Kahit kasi gwapo at crush ng bayan 'to, hindi 'to chick boy. Akala mo nga bakla eh! At si Beatrix, ang unang babaeng pinakilala niya sa akin.

Di bale na nga lang. Palagi ko rin naman nakakasama ngayon si Arjhon.

"Girls, oorder muna ako ng toasted bread with hazelnut ha? I'll be back." Kumindat siya kay Beatrix at ginulo naman ang buhok ko saka umalis. Bakit ba ang hilig niyang gawin 'yun!?

"Na naman? Seriously Jasper?" Sagot ni Beatrix sa kanya pero hindi niya na marahil narinig kasi patuloy lang siya sa paglalakad.

She looked at me. Then I smiled at her. Nagsmirk lang siya at kinuha na ang cellphone niya. Taray bes!

Gusto ko siyang kausapin at makipagclose kaso nga lang hindi ko alam kung paano magsisimula.

"B-be, pagpasensyahan mo na ang pagiging matakaw ni Jap ha?" Inalis niya ang atensyon niya sa cellphone niya at tinignan niya ako. Umiwas naman ako ng tingin. "Hihi, ganyan talaga 'yan simula pa elementary."

"Jap? Sino si Jap?" Kumunot ang noo niya. Ay, oo nga pala! Ako lang ang nagbigay ng palayaw na 'yan sa kanya. Pangit kasi ng Jas, parang babae.

Tinignan ko siya at ngumiti.

"Ah, si Jasper."

"Okay." Maikli niyang sagot at binalik na ang atensyon niya sa kanya cellphone.

Taray talaga nito! Pasalamat siya dumidiskarte best friend ko sa kanya.

'Yung ibang babae nga bumabait sa akin para makipagclose lang kay Jasper! Ito ang sungit-sungit! O di kaya dapat maging mabait siya sa akin! Best friend kaya ako ng magiging boyfriend niya. Tapos siya pa 'tong.. Nako talaga!

Kakausapin ko pa sana siya nang bigla namang bumalik si Jasper.

"15 minutes pa daw. Naubos kasi ang natapos na kaya kailangang magbake muli." Sabi niya.

"Okay lang 'yan, sanay ka namang maghintay." Sagot ko naman sa kanyang may kasamang hugot.

"Oo nga eh. Ako pa ba?" Tumawa naman kami pareho kasi alam naming nagsisimula na kami sa kakahugot.

May mga kulitan pa kaming dalawa kaso nga lang napansin ko si Beatrix na parang umiinit ang ulo ngunit hindi umiimik kung saan patuloy lang siya sa kaka-scroll ng kanyang phone. Subalit nakita ko ang kabilang kamay niyang tinabig ang isang baso ng tubig kaya natapon ito.

"Gosh! I'm sorry. Hindi ko talaga sinasadya." She said in her sweetest voice. Liar.

"Nako Be (sounded like By), it's okay. Alam ko namang hindi mo sinasadya. Lilipat nalang tayo ng mesa. Ano, nabasa ka ba?" Pag-aalala ni Jasper.

Ewan ko bakit biglang uminit din ang dugo ko. Goodness!

Tumayo na sila para lumipat. "Trish, tara?"

Tinignan ko ang oras sa cellphone ko. "Ah, naalala ko. May pupuntahan pala ako ngayon Jap. Sige, alis na muna ako. Enjoy kayo!" Tumayo na ako at mabilis na umalis.

Actually, wala akong pupuntahan. Hindi pa rin kasi nagtext si Arjhon simula kaninang umaga. Gusto ko lang umalis do'n! Pinapaalis na ako eh.

Bakit na may ibang ganyan? Alam naman nilang magbest friend lang kami pero kapag naging boyfriend na nila, tinatanggalan na kami ng karapatan! Goodness. Kapag nagbreak sila o nagkakaproblema kami din naman ang nilalapitan! Kainis lang.

Ito namang si Arjhon, hindi sumasagot ng tawag. Sana alam niyang it takes so much of courage na itext o tawagan siya lalo pa't wala naman akong karapatang mangulit. Goodness talaga!

Trouble With JohnsDove le storie prendono vita. Scoprilo ora