Masaya akong kumakain ng lunch kasama ang mga ka-major ko. Nitong mga araw, sila na ang nakakasama ko dahil na rin sa mga subjects namin. Tapos minsan nalang talaga kami nag-uusap ni Jasper. Kapag itetext o tinatawagan ko siya, kasama niya si Beatrix. Talagang wala na akong puwang sa best friend ko. Kaya nasasaktan ako. Normal lang naman 'yun diba?
"Tara na girls? It's 12:45 o'clock na. Malayo pa naman dito ang WS201." Pagyaya ni Jessa sa amin.
Nag-agree naman kami at agad-agad na niligpit ang mga gamit namin.
Nang paglabas namin, sakto namang nakasalubong namin sila Beatrix at Jasper. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko sa hindi ko mawaring dahilan. Napahinto kaming lahat dun.
Ngumiti ako sa best friend ko ngunit hindi siya tumugon. Pero nilagay niya ang braso niya sa balikat ni Beatrix. "Let's go babe." Rinig kong sabi ni Jasper at nagpatuloy na silang umalis.
What was that for? Iniiwasan niya ba ako? Pero bakit? Well, maybe because of that girl! Pero eh di duwag siya! Iiwasan niya ako dahil lang sinabi ng babaeng 'yun? Goodness! Hindi niya talaga ako kayang piliin kahit kailan. Bakit sino ba naman ako? Ang sakit.
Ilang sandali na pala akong nakatunganga dun. Nakabalik lang ako sa katinu-an nang paulit ulit kong narinig ang boses ni Camille na kumakalabit sa akin.
"Uy? Kambal? Ayos ka lang?" Tanong niya. Ngunit tulala pa rin ako.
"Girlfriend pala ng best friend mo si Beatrix? Wow ha?" Narinig ko namang sabi ni Sheila May. Liningon at tinignan ko siya.
"Ah, oo. Tara na, late na tayo oh." Sabi ko nalang sa kanila. Girlfriend siya ng best friend ko lang. Ano ang magagawa ko?
Mabuti nalang ay hindi kami late nang makarating kami sa room namin. Major kasi namin 'to at masyado ring strict si Ma'am sa pagiging late.
Nagsimula na siyang magdiscuss at nandun lang ako sa likuran na tahimik na nakikinig. Pero alam kong lutang ako. Malaking katanungan pa rin ang nangyari kanina. But maybe I just have to get used to it. Siguro, kailangan talagang hayaan ko nalang na ganon. Na kapag magkasama silang dalawa, hindi niya ako kilala.
Hay. Napabuntong hininga nalang ako.
Lumingon ako sa may pintuan nang mapansin kong may isang lalaking pasayaw-sayaw at nagmumukhang baliw dun.
Walang hiyang Mark! Nilakihan ko siya ng mata pero natatawa ako sa pinaggagawa niya.
"Umalis ka dito! You're distracting me." Bulong ko. Sana naman maintindihan niya ang galaw ng labi ko. Pero wala. Mas lalo pa niyang pina-exaggerate ang ginawa niya.
Hindi ko naman napigilan ang pagtawa. Ito talagang si Mark!
"So what's funny Miss Benjamin?" Nang marinig ko 'yun, tinignan ko si Ma'am Flor na may malapad na ngiti sa labi ko. At mabilis namang nawala 'yun nang mapansin kong nasa akin na pala ang atensyon ng buong klase. Goodness!
"A-ah, nothing Ma'am. S-sorry." Sabi ko sa kanya at hinipan ang bangs ko. Goodness, makikita mo talaga mamaya Mr. Reyes!
Inirapan ako ni Ma'am at bumalik na sa pagdidiscuss. Aaaaaaaaaah!
-
"Sira ka talaga! Alam mo bang pinagalitan ako ni Ma'am kanina?" Satsat ko sa kanina pang tawa ng tawang si Mark.
"Kasalanan ko ba na namimiss lang kita?" Sagot naman niya. Magaling talaga 'to eh! Kung hindi ko lang alam ang mga galawang pa-fall niya, marahil ay nabiktima na ako nito.
"Ikaw, Jhon Mark, kung namimiss mo ako, maghintay ka! Hindi 'yung ganun. Eh di napahiya tuloy ako!" Inirapan ko siya ng bonggang bongga.
"Sorna crush!" Kinurot niya ang pisngi ko!
YOU ARE READING
Trouble With Johns
RandomThey say, "In love nothing matters but your feelings for each other." Even numbers like distance and age have nothing to do with it. Or even one's status in life. Just like Romeo and Juliet's love story. Kapag in love ka daw, hahamakin mo ang lahat...
