After a month nang una naming pagkikita, Jac never failed to make me smile at least a day. Nakita ko ang kulit side niya at nakita ko rin kung paano siya magdrama. More like we became best friends in that short time.
"Ano ba yan?" Bigla niya bungad habang kumakain kami sa isang restaurant.
"Bakit? What happened?"
"Sabi niya noon, next week. Ngayon naman, next month." Sagot niya habang nakatingin pa rin sa phone niya.
"Bakit sino ba yan?" Tanong ko.
"Best friend ko. Akala ko kasi uuwi na siya noon kasi sabi niya, ngayon naman, next month daw."
"You value your friend a lot."
"Yeah. Matagal din naman kasi kaming hindi nagkita." He told me.
Isang bagay pang nagugustuhan ko kay Jac, ang pagiging thoughtful niya sa mga kaibigan niya.
"Trish..."
"Yup?" Bigla namang tumunog ang phone ko. "Excuse me sandali ha?" Tumayo ako at sinagot ang tawag. "Yes, Sir? Nasend ko na po sa gmail niyo. Yes po. Okay, yes yes. Ah, opo. Okay, thank you!" I ended the call.
Bumalik naman ako sa table namin ni Jac at nakita ko siyang parang kinakabahan, mukhang natataranta.
"Are you alright?" Tanong ko sa kanya at umupong muli.
"Oo naman. Bakit?" Sagot niya.
"Wala naman. Ano na 'yung sasabihin mo?"
"Ah, ano... Probably we should go?"
'Yun lang? Sa ganoong mga tingin 'yun lang? Umasa ako na aamin siya ganoon kasi ang kinikilos niya eh. Pero umasa na naman ako. Oo na, nagugustuhan ko na kasi si Jac. Pero, konti lang. Wiiihiihi~
"Okay."
-
I was preparing myself happily. Niyaya niya kasi akong mga dinner sa labas at sa tingin ko, he will. Tonight! Ugh, excited ako. Para akong highschool student na kakausap sa crush niya. Speaking of crush, hanggang ngayon crush ko pa rin Jan Wary. And it remained that way. Siya na ata ang pinakamatagal kong crush until now. Pero, kailangan ko ring turuan ang puso kong umibig muli. Nasa malayong lugar siya at imposible na atang magkita pa kami. Hindi ko pwedeng iaasa ang lahat sa daloy ng hangin. At sa palagay ko, dumating na siya sa katauhan ni Jac.
It's either I'll take it or leave it.
From: Jan Carl (Seeing his name makes me remember someone. Hays)
Hey beautiful. Are you set? Pwedeng ikaw nalang ang pumunta dito? I can't drive to fetch you right now. Dumating na kasi ang best friend ko. And he'll join us sa dinner. If it's okay? Take care! :)
Sapaw 'yang best friend na yan ha? Paano pa ngayon aamin si Jan Carl sa akin? Hays!
Nang makarating ako, Jac stood up. And uttered, "she's here." Ngumiti ako sa kanya at pumunta naman ang atensyon ko sa lalaking nakaupo sa harap niya. Basically, nakatalikod sa akin. So ito pala 'yung sapaw.
His friend looked back to look at me. Tumayo siya at tila bang nagslow motion ang paligid. Bumilis ang tibok ng puso ko. Before our eyes have met, ngumiti-ngiti pa siya kay Jac. I missed that smile. Nagteteary eyes na ako. At mistulang may malaking batong humaharang sa lungs ko.
We both stood in awe. Gusto kong tumakbo papunta sa kanya at yakapin siya nang kay higpit higpit. After many long years, hindi na ako nag-expect na makikita ko pa siya. Gustong gusto kong hawakan ang kamay niya kagaya sa paghawak niya ng sa akin noong sumasayaw kami. But no, he had made me smile thousand of times. Pero ako? I've caused him pain. Ako lang si Trisha Camille Benjamin pero sinaktan ko pa si Jan Wary Sebastian. And that's the worst part of it!
YOU ARE READING
Trouble With Johns
RandomThey say, "In love nothing matters but your feelings for each other." Even numbers like distance and age have nothing to do with it. Or even one's status in life. Just like Romeo and Juliet's love story. Kapag in love ka daw, hahamakin mo ang lahat...
