Chapter 1 - Jolly Be-cool

3.9K 56 7
                                    

NAPILITAN si Alvin na samahang magbakasayon ang kaniyang lola sa Legazpi, isang siyudad sa probinsiya ng Albay. Matagal-tagal na rin kasi itong hindi nakakadalaw sa lugar ng asawang si David.

"Lola, yong mga gamot mo po, akin na po," paalaala ni Alvin. Pumasok na rin ito sa kuwarto.

"Naku, salamat Alvin. Kamuntik ko nang makalimutan.Nagiging ulyanin na talaga ako." Napangiti si Alvin. Tumayo na si Nacion at pinuntahan ang kaniyang tukador kung saan nakalagay ang mga gamot Nang pinasok niya na ang.mga ito sa loob ng isang pouch bag. "Salamat nga pala sa pagsama mo sa akin." Saka inabot ang pouch bag.

"Matitiis ko ba naman kayo?" lambing nito.

"Kasi naman ang nanay mo, ayaw akong samahan."

Ang hindi alam ng dalawa ay paparating si Alice. "Ops, narinig ko yan." Nagmano si Alice sa nanay. "My, marami lang akong appointment. May sakit pa 'yong kambal." May inabot ito kay Alvin. "Heto pala ang ticket niyong apat. Vin, 'kaw na ang bahala kay Mommy, saka sa mga kapatid mo. Ala una dapat nandoon na kayo sa airpor. Bilis-bilisan mo na. Andoon na yong dalawa sa taxi. Kayo na lang ang hinihintay," sunod-sunod na salita nito.

Nang tumigil na si Alice, "Ma, baka p'wedeng dagdagan mo pa yong baon namin. Baka kasi kulangin."

Napataas ang kilay ni Alice. "Ten thousand na 'yon, kulang pa?" Napasimangot na lang si Alvin at bigla itong tumalikod, at lumabas na ng kuwarto.

"Hoy, aba!" Sinundan ito ni Alice habang si Nacion ay tahimik lang na hinihila ang kaniyang maletang dehila palabas ng kuwarto. "Hoy Alvin! Ibaba mo ang bag ng Lola mo." Napailing na lang si Nacion.

"Opo!" sigaw ni Alvin na nasa baba na pala. Agad umakyat ulit ito sa hagdanan kung saan nasalubong ang kaniyang lola na pababa na. "Ako na po, Lola."

"Huwag na, Vin. Kaya ko naman ito. Konti lang naman ang mga dala ko."

"Anong konti, ang bigat nga nito!" Kinuha na nito ang bag. "Sige na po, La. Mauna ka na pong bumaba."

Dumiretso na si Alvin sa nakaparadang taxi na kanila ding pag mamay-ari. Ipinasok na niya rin ang kanilang mga dalahin sa nakabukas na trankahan ng taxi. Ang dalawa pang kapatid nito na si Sam at RJ ay nasa backseat at naghihintayv sa kanila. Si Nacion naman at si Alice ay nag-uusap pa.

"My, paki sabi na lang kay Tita Helga at Tito Paeng  na hindi ako puwede. Next year, baka makapunta tayo doon, kasama na si Ate Baby."

Nakita na nilang pumasok sa unahan si Alvin. Halatang masama pa rin ang loob nito kay Alice bagamat nagpaalam naman ito bago pumasok sa may unahan ng taxi.

"O siya," sabi ni Nacion. "Yong kambal, pahigupin mo ng sabaw para pag-pawisan. Saka punasan mo ng basang dimpo," bilin pa nito.

"Ok po, Mommy pie." Binuksan na ni Alice ang kotse. "Sige na, My, sumakay ka na." Humalik na ito sa ina.

Pasakay na si Nacion sa taxi ngunit panay pa rin ang bilin nito, hanggang sa isinara na ni Alice ang pinto.

PASADO alas-dos na nang maka-take off ang kanilang eroplano. Habang nasa eroplano ang apat ay panay ang tanaw ng mga ito. Ito ang unang pagkakataon na magkakasama ang apat.

"La, ilang oras po papuntang Legazpi?" tanong ni RJ, na katabi ni Nacion.

"Isang oras lang. First time mo nga pala dito sa eroplano," sabi ni Nacion

Narinig ito ni Sam na nasa likuran nila kaya tinakot niya ito. "Hala ka, baka mag-crush tayo!"

Sinipa ito ni Alvin sa paa para sawayin. Alam niya na mauuwi na naman ito sa asaran. "Shut up, Sam!"

His Lola's Girl (#onceuponajollibee)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon