Prologue (Revised)

5.3K 89 4
                                    

Sa panahon ngayon, ano na nga ba ang pagmamahal sa ating mga kabataan? At bakit marami na ang nahuhumaling sa oras na ito ay kanilang maranasan? Kadalasan pa nga ay nagdudulot ito ng matinding pagkakamali at malaking kabiguan dala ng kanilang labis na kapusukan. Yan ba ang tinatawag nilang pagmamahal?

Marahil nga...

Sino ba naman tayo para sila ay husgahan sa kanilang nararamdaman? Kung tutuusin, dumaan din sa ganito ang karamihan sa atin. Sa halip na panghimasukan, ang tungkulin natin bilang isang magulang o nakakatanda ay unawain at gabayan sila upang hindi mapariwara ang kanilang buhay. Kailanman ay hindi natin masasakop ang kanilang mga damdamin at isipan, maging ang kahihinatnan ng kanilang kinabukasan. Sa pamamagitan ng ating mga karanasan at tamang pangangaral ay maaari natin silang mailayo sa isang pagkakamali na kanilang pagsisisihan balang araw.

Ituro natin habang maaga pa na ang pagmamahal ay mas mainam kung hahayaan muna nila pausbungin ito nang dahan-dahan, sabay din ng kanilang paglago. Katulad ito ng isang pananim na nangangailangan ng sapat na panahon at matinding pag-aaruga upang mamukadkad nang lubusan. Kailangan muna nilang matutunan ang mag-hintay bago nila ito tuluyang makamtan.

"Kaya nga Alvin, ang gusto lang namin sa'yo ay magkaroon ka ng maayos na buhay, " sabi ng lola nito. Kasalukuyan namang kumakain si Alvin ng kaniyang pananghalian. "Piliin mong maigi ang babaeng iyong mamahalin.  Huwag kayong padalos-dalos sa bugso ng inyong damdamin."

Tumango naman si Alvin kahit na nakukulitan na sa ginagawang sermon ng kaniyang lola. "Huwag po kayong mag-alala Lola dahil wala pa naman akong nagugustuhang babae."

Kahit na nga disinueve anyos na si Alvin ay wala pa naman itong nililigawan. Simula nang pumanaw ang kanilang ama sa isang trahedya ay pag-aaral na lang ang inatupag nito. Nangako rin siya sa sarili na magsisikap siya para sa kaniyang pamilya dahil hindi habang buhay silang aasa sa tulong ng kanilang tiyahin na nagta-trabaho sa Amerika.

"Mabuti naman kung ganoon. Paano kung bigla kang tamaan ni Cupido o kaya ay matukso ka? Ibang-iba na kasi ang panahon ngayon kumpara sa panahon namin noon. Nagkalat ang iba't ibang klase ng tukso. Ngayon nga, babae na ang nanliligaw sa mga lalaki, hindi ba?"

Napatigil si Alvin sa kaniyang nginunguya. Napaisip siya na tama nga naman ang kaniyang lola. "Lola, I'll cross the bridge when I get there. Magtiwala kayo sa akin."

"Damuhong bata ire! Sana nga!" Sabay silang natawa. "Sige na, nang matapos ka na sa pagkain mo. Bilis-bilisan mo na rin at baka mahuli tayo sa flight natin."

"Opo La." Umakyat na ang kaniyang Lola Nacion sa kuwarto nito sa itaas habang pailing-iling naman si Alvin sa kaniyang pagkain. "Ang mga lola talaga, masyadong advance." Napabuntong-hininga na lamang ito.

---

Author's Note:

Thanks for reading. Vote or comment please. I'm also open for any suggestions, if you have. (090216 17:45)

His Lola's Girl (#onceuponajollibee)Where stories live. Discover now