Chapter 3 - Miss Japayuki

1.7K 32 2
                                    

AGAD namang napahinto ang babae sa gagawin sanang pagsigaw nito. "Akala ko naman may magnanakaw na nakapasok diyan sa inyo," anito. "Anong ginagawa mo ba diyan, ha bata?"

"Kukunin ki lang sana itong bolang tumalbog dito  kaso, sumabit yong tsinelas ko sa bakal, kaya nadapa ako," sagot ni Alvin na hirap pa rin sa pagsasalita.

"Ok ka lang ba? Nasugatan ka siguro? Gusto mo puntahan kita? May alcohol at band aid kami dito."

Naku patay, baka magalit siya pag nakita niya ako, naisip ni Alvin.

"Ah, h'wag na. Gasgas lang naman sa kamay 'to. Saka mababaw lang naman." Tahimik itong natatawa sa kaniyang ginagawa.

"Sure ka? Baka matetano ka niyan? Nahiya ka pa, e."

"Huhugasan ko na lang 'to mamaya, at sasabunin ko nang maigi, saka ko lalagyan ng alcohol. Thank you na lang."

"Sige, 'kaw ang bahala. Anong palang pangalan mo?"

"A, e, Al...Ar-J, RJ Fernandez." nauutal nitong sagot. Kamuntik niya na kasing masabi na siya si Alvin. "Ikaw? Anong pangalan mo?"

"Ako si Juliet, Juliet Miranda. Ilang taon ka na? Ako, eighteen na."

"A, ikaw pala si Juliet...ay, Ate Juliet pala." Napatingala ito, iniisip niya kasi ang edad ni RJ. "Thirteen. Ay, magfo-fourteen. Ay hind, twelve pa lang pala ako."

"Ano ba talaga, ha RJ?" natatawang tanong ni Juliet."Bakit mo nga pala ako kilala?" takang tanong nito.

"Hindi, narinig ko lang kanina, pag-gising ko."

"Narinig mo pala yong awayan namin ng tatay ko. Nakakahiya naman, naistorbo pa namin kayo."

"Hindi naman. Saka tanghali na rin yon. Sino pala yong kausap mo diyan?"

"Yong alaga naming askal, si Doggie." Natawa pa si Juliet. "Halika, ipapakilala kita kay Doggie."

"Hello Doggie." Napaupo na sa may bato si Alvin. Kumahol ng dalawang beses ang aso. "O, ayan magkakilala na kami."

Natawa naman ulit si Juliet. "Narinig mo din ba yong pinagsasabi ko kay Doggie at yong sa---" Napahinto ito.

Agad namang sumingit si Alvin dahil napansin niya na agad itong nalungkot."Yong sa lola mo? Sorry ha, Ate Juliet. Hindi ko sinasadyang marinig---"

"Hindi, ok lang. Siguro, iniisip mo na nasisiraan na ako dahil kinakausap ko 'tong aso namin pati yong lola ko."

"Hindi ah! Bakit ko naman yon iisipin? Condolence nga pala."

Nang narinig ni Alvin na may humintong tricycle sa may gate nila. "Andiyan na pala yong mga lola ko." Agad na itong tumayo. "Nice meeting you po, Ate."

"Nice meeting you too, RJ! Tara na Doggiee, tutal naka popo ka na."

Pumunta na sa gate si Alvin para tulungan ang dalawang matanda. Hindi pa nakakababa ang dalawa sa tricycle kaya tinulungan niya na itong ibaba ang mga pinamalengke.  Nang bubuhatin niya na ang basket na dala-dala ni Helga ay napa-aray ito.

"Anong nangyari sa'yo , Alvin?" tanong ng Lola Helga niya.

"Natisod lang po ako diyan sa may mga tambak."

"Umiral na naman ang pagkalampa mo, Alvin," biro ng Lola Nacion niya.

"Lola naman, binubuko mo naman ako kay Lola Helga."

"Dalhin mo na lang yan sa kusina at magluluto na kami ni Lola Helga mo ng pananghalian natin."
Nauna nang pumasok si Alvin. Nakita siya ni Sam habang kumakain ito sa mesa.

His Lola's Girl (#onceuponajollibee)Where stories live. Discover now