Chapter 7 - Meet Lola Martha

1.1K 25 1
                                    

WALANG kamalay-malay si Nica sa nangyari kina Alvin at Juliet dahil abala ito sa pakikipagkulitan kay RJ. Nakagaangan rin kasi siya ng bata. Napasigaw ito nang makita ang hitsura ng dalawa, "OMG! Anong nangyari sa inyong dalawa diyan?" Tumayo ito, pati si RJ ay pinatayo niya para walang makakita "Patay tayo niyan pag makita kayo ni Pastor at ng mga kasamahan natin. 'Lam niyo na.? Napabungisngis ito at si RJ.

Naupo ng maayos ang dalawa at inayos ang sarili. "Thanks for catching me...I mean sa pagsalo, kundi bagsak ako sa sahig ng balsang 'to," nahihiyang sabi ni Juliet.

Sinuklian naman ito ni Alvin ng ngiti.  "You're welcome." Wala na rin ang kaniyang kaba at naging kampante na ito sa dalaga. Palihim pa itong napangiti dahil sa di inaasahang panggyayari.

"Bakit hindi niyo pala kasama si Sam?" tanong ni Juliet.

"A, e..." 

"Bakit Alvin? May dumi ba sa mukha ko?"

"Hindi. Wala. Yong tungkol kay Sam, gusto ko sanang linawin yong tuna---."

Biglang sumingit si Juliet. "Alam mo ba, pagkatapos ng service natin sa simbahan, na-realize ko na may mali rin naman ako kay Sam. Feeling ko nga sa ginawa ko sa kaniya mas immature pa ako kesa sa kaniya. I overreacted." Napangiti si Juliet at napatingin siya kina Nica. "Sabi nga sa akin ni Nica, nasaan na daw yong fruit of the Spirit na sinasabi sa Galatians 5. Yong kindness, gentleness, at self-control?" Humarap ito kay Alvin nang nakangiti.

Sa unang pagkakataon, ngayon lang nakita ni Alvin ang napakatamis na ngiti ng dalaga at ang kakaibang sayang idinulot nito sa kaniya. At habang patuloy na nagpapaliwanag si Juliet, si Alvin naman ay walang kakurap-kurap sa kaniyang pakikinig.

"Ano nga pala yong sasabihin mo? Hoy!" Inalog pa ni Juliet ito sa braso.

"Pasensiya ka na, I got carried away by your smile...este ng mga sinasabi mo sa akin," sabi ni Alvin na wala sa sarili. 

"Ano? Kanina ka pa tulala diyan? Pero, pangako ko kay Lord na hindi ko na yon uulitin, unless grabe ang kasalanan ng tao sa akin." Napabuntong-hininga ito. "Ang hirap talagang maging mabuting Kristiyano, 'no?"

"Oo nga. Mahirap talaga," tatango-tangong sabi ni Alvin. "Yong sasabihin ko pala. Sana h'wag kang magalit." Sandaling napatigil si Alvin. "Ako talaga ang nagpanggap na si RJ." Nanatiling tahimik si Juliet. "Kaso ang nahuli mo noong pangatlong beses ay si Sam. Hindi ko naman alam na gagawin niya iyon. Wala akong masamang intensiyon. I just want to give you sone company.."

 "What?!" Napatitig pa si Juliet kay Alvin, ngunit dahan-dahan itong natawa. "Kaya pala. Napansin ko nga kanina ang pagiging clumsy mo. Pati yong pag-aray mo nang mauntog ka sa kawayan." Patuloy ito sa pagtawa.

"So, hindi ka na galit?" Unti-unti na rin ngumingiti si Alvin. 

"May galit bang tumatawa? Sana pala ikaw yong sinampal ko. Sayang." 

"Muntik na kaming mag-away ni Sam nang hapong yon. Nainis kasi ako sa kaniya. Buti na lang pagpasok namin sa bahay, nandoon na yong mga lola namin. And I do admit that I'm a clumay person." Nagtawanan muli ang dalawa. 

"Napaka-childish talaga natin, ano?" 

"Ok lang, bata pa naman tayo, saka magma-mature rin tayo."

Hindi nila napansin ang paglapit nila Nica at RJ. "Well, buti naman at nagkasundo na kayo." Napatingin pa ito ng pabiro sa dalawa. "Tara na. Mag-merienda muna daw tayo bago umuwi."

Nang mag-uwian na ay naunang bumaba sa kalagitnaan ng Legazpi si Nica. Si Juliet naman ay sumabay na sa magkapatid. Pagdating nila ng centro ay sumakay ulit ang tatlo ng tricycle papasok sa kanilang kalye. Huminto ito sa tapat ng bahay nila Juliet. 

His Lola's Girl (#onceuponajollibee)Where stories live. Discover now