Chapter 10 - Eat, Sing, & Dance

804 24 0
                                    

DALAWANG araw bago bumalik ng Japan si Juliet, nagsisimula nang maramdaman ni Alvin ang pangungulila. Kung kailan niya naranasan ang magkaroon ng isang inspirasyon ay saka naman siya nitong iiwan. Parang bula itong nagpakita sa kaniya na pagkatapos siyang pasayahin ay bigla na lang maglalaho.

Napahawak siya sa kaniyang mga labi dahil ramdam pa niya ang tamis at init ng halik nito sa kaniya. Ang mga labing iyon ang kaunaunahang dumampi sa kaniya. Napangiti siya dahil hindi niya ito inaasahan, ngunit totoo ang mga napapanood niya sa mga sine na kapag natuto ka nang umibig ay napupuno ng iba't ibang kulay ang iyong kapaligiran. Parang umulan ng mga rosas ng gabi ring iyon. Kung alam lang niya na gagawin iyon ni Juliet ay yinakap niya na pa sana ito nang mahigpit at hinalikan nang mariin. Napaakap na lang siya ng unan at napapikit hanggang sa tuluyan siyang nakatulog ng may mga ngiti sa labi.

Kinaumagahan, "Hoy Kuya! Gising ka na diyan. Kausap nila Lola si Juliet. Narinig ko na bukas na ng umaga ang alis niya papuntang Manila."

Napatalikod si Alvin at napabangon na rin. "Ano? Sabi niya sa Lunes pa ang alis niya?"

"E, sa 'yon ang narinig ko." Umupo si Sam sa tabi ni Alvin. "Naka-score ka ba kagabi sa kaniya? Narinig kasi kitang napasigaw."

"Ha? Hindi a. Hindi ako 'yon!" Nagkunwari siya dahil baka maikuwento ito ni Sam sa kung sino. May pagkamadaldal pa naman ito, tulad ng kanilang ina.

"Kunwari ka pa. Anong plano mo? Liligawan mo na?' tanong nito habang papaupo ito sa kaniyang tabi.

"Sira! Paano ko naman siya maliligawan, e aalis na nga siya!" painis niyang sabi.

"Ang hina mo talaga! E, di, pigilan mo." Sabay siko nito sa kaniya. "Palagay ko, may tama na 'yon sa'yo, pero mas ikaw yata ang tinamaan sa kaniya! Tama ako, 'no?" Napatawa nang malakas ito. "Hay naku, in love ka na talaga, Kuya! Lumabas ka na raw at kumain ka na!" singhal nito, saka kinuha laptop at lumabas.

Tumayo si Alvin at sinundan si Sam. "Nasaan daw siya?" tanong niya.

Napalingon si Sam. "Lalabas sila at mamamasyal ulit."

"Saan?"

"Hindi ko alam. I-text mo kaya."

"Huwag na, baka ayaw pa-istorbo," bulong niya.

"Bahala ka," sabi ni Sam.

LUMIPAS ang buong maghapon ay walang siyang ginawa kung hindi ang mag-abang sa mga dumadaang sasakyan at kapag may humihinto sa harap ng bahay nila Juliet ay napapasilip siya sa kanilang bintana. Napansin siya ng kaniyang Lola.

"Vin, ano bang ginagawa mo? Kanina ka pa silip nang silip diyan. Akong napapagod sa'yo," sabi ni Nacion na nakakunot ang noo.

"Inaabangan niyan si Juliet," sabat ni Sam na nagla-laptop sa may sala. "Sabi ko na ngang i-text na lang niya, ayaw maniwala. Nahiya na naman."

Napabuntong hininga ang lola niya. "Sinamahan 'yong tatay niya sa ospital para magpa-check-up. Naniniguro lang daw siya baka raw kasi atakihin ulit."

"Sabi mo Sam namasyal?" sudya niya sa kapatid. Napa-iling na lang si Sam sa kaniya. "La, anong oras daw sila uuwi? May puputahan pa ba sila?"

"Hay naku Alvin." Tumabi si Nacion sa kinauupan niyang sofa ito. "Alam mo ba ang nangyayari sa'yo, ha Alvin? Kung nagkakagusto ka kay Juliet, isipin mo kung ano ang sitwasyon ninyong dalawa. Alam mo naman na aalis na siya. Magkakalayo na kayo sa isa't isa. Mahirap magmahal kapag malayo ang distansiya. Masasaktan ka lang."

"La, okay lang. Wala ito." Kahit na hindi niya nagustuhan ang narinig niya sa kaniyang lola ay hindi siya nagpahalata.

"La naman, sa panahong ito, wala it's so easy to get connected. Di ba, Kuya Vin?" sabi ni Sam. Kinindatan pa siya nito.

His Lola's Girl (#onceuponajollibee)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon