Chapter 5 - Double Trouble

1.1K 27 0
                                    

TANGHALI na ay mahimbing pa ring natutulog si Alvin dala ng matinding pagod sa pagmamaneho. Unang nagising si Sam dahil sa pagkalam ng sikmura. Lumabas ito para magbanyo, at diretso na rin itong nag-almusal mag-isa.

Pagkatapos mag-almusal ay bumalik ulit ito ng kuwarto. Kinuha niya ang laptop sa ibabaw ng kaniyang higaan at ipinatong sa mesa. Binuksan niya ito. Habang naglo-loading ay dumungaw muna ito sa bintana. Babalik na sana ito sa upuan para maglaro nang marinig niya ang boses ni Juliet.

"Hello RJ, nandiyan ka ba?"

Agad tumakbo si Sam sa tabi ni Alvin. "Kuya, si Japayuki girl mo, hinahanap si RJ." Inalog-alog pa nito si Alvin.

Napaungol si Alvin. "Aray ko Sam! Ano ba?! Inaantok pa 'ko." Nanlalata rin ito. "Ang sakit pa ng katawan ko." Tumalikod na ito at bumalik sa pagtulog.

"Hinahanap ka nga ni Japayuki girl." Hindi na sumagot si Alvin. "Sige, kung ayaw mo, akong kakausap sa kaniya!" Tumakbong palabas nga si Sam.

Lumapit kaagad ito sa may bakod "He-hello, Ate Juliet?" marahang tawag niya at napakagat-labi pa siya. Tulad ni Alvin ay pinaliit din nito ang kaniyang boses. Hindi naman nagkakalayo ang boses ng magkakapatkd kaya halos magkatunog ito. "Hi Ate Juliet. I'm here." Nakiramdam siya kung sasagot si Juliet. Naupo ito sa bato habang hinihintay ang sagot.

Muli niya itong tinawag. "Ate Juliet, andiyan ka na ba? Yohoo, Ate?" Sandali ulit itong nanahimik.

"Hi RJ! Sorry, akala ko umalis kayo kasi ang tahimik diyan sa inyo," humahangos na sagot nito. "Kaya nagbasa na lang ako ng pocketbook."

"Mahilig ka pala sa pocketbook? Ako rin mahilig." Napadila pa ito kasi ang tutuo niyan ay wala itong hilig magbasa ng mga libro.

"Talaga? Anong latest na binabasa mo?"

Napaisip ito. Pilit inaalala ang mga librong binabasa ni RJ. Ngunit wala itong maalalang title kaagad. "Ha, ikaw muna." Naisip niyang tanungin muna para magkaroon siya ng oras na makapag-isip pa. Mabuti na lang at dala-dala niya ang kaniyang cellphone. Agad nitong kinuha ang kaniyang cellphone sa bulsa at hinanap niya ang best seller books sa Google. Napunta ito sa Amazon best sellers list.

"The Book Thief, yon ang pinakapaborito ko. Three times ko na nga siyang nabasa."

"Nabasa ko rin yan." Agad niya ulit hinanap sa Google ang author nito. Mabuti na lang at mabilis mag-type si Sam. "By Markus Zusak, right?"

"Yeah. Grabe, iyak ako ng iyak sa ending."

"E, di basang-basa ng luha ang tissue mo?"

"Medyo." Natawa si Juliet. "Ngayon, The Girl on the Train, thriller siya. Hiniram ko lang sa pinsan ko. Wala kasi akong magawa."

"A...Ako, yong kay John Green, yong The Fault in Our Stars, sa Kindle ko lang binabasa. Susunod ko na yong kay Jojo Moyes, Me After You."

"Ay, I highly recommend it. Tapusin mo. Ang ganda din niyan." Kinikilig pa ito sa kaniyang boses habang sinasabi niya. "Mahilig ka pala sa ebook? Ako, mas feel ko pag libro talaga. Kaso, sad din ang ending niyan."

"Ops, spoiler alert!" biro ni Sam.

"Ay, sorry!"

"Ok lang."

"Kumusta na nga pala yong sugat mo?"

"Yong sugat ko sa tuhod? Wala na yon."

"Akala ko ba sa kamay?"

"Ha? Meron din sa tuhod, hindi ko lang nasabi sa'yo." Napahagikhik ito ng tahimik.

"Sinabi mo na ba sa mga kuya mo yong pinag-usapan natin kahapon?"

His Lola's Girl (#onceuponajollibee)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu