Chapter 6 - Isip Bata Pa More

1.3K 33 0
                                    

NAKIPAGAYOS nga si Alvin kay Sam at humingi rin siya ng pasensiya kay RJ sa pagkasangkot ng bunsong kapatid. Hindi na nagmatigas si Sam dahil aminado siya na may mali rin siyang nagawa kay Juliet. Hindi lang niya inaasahan na aabot sa gulo ang kaniyang mga pagbibiro. Nangako naman si Alvin na sa oras na makausap niya si Juliet ay lilinisin niya ang pangalan nito.

Pagkatapos mag-usap ng tatlo sa kuwarto ay lumabas na ang mga ito para mag-hapunan.

"Mukhang nagkaayos na kayong tatlo. Pinagluto pa kayo ni Lola Helga niyo ng fried chicken," bungad ni Nacion. "Maupo na kayo."

Naupo nga ang magkakapatid habang inilalagay ang isang platera ng fried chicken.

"Special yan para kay Sam. Kasing sarap din yan ng Chicken Joy ng Jollibee. Alam ko naman na yon ang paborito mo sa Jollibee, di ba?" Napatango si Sam. "At alam ko na nasusuya na kayo sa mga niluluto kong gulay," sabi ulit ni Helga.

"Wow! Juiciliscious! Crispiliscious!" hiyaw ni RJ. Natawa naman silang lahat sa reaksiyon ng bata.

Natuwa rin naman si Sam sa ginawa ng kaniyang Lola Helga. "Wow! Thank you po Lola Helga. Pasensiya na po kung napasigaw ako kanina," sabi ni Sam.

"Hay naku, wala yon. O siya, magkaraon na kita," yaya ni Helga.

Kakain na sana sila nang sumingit si Paeng. "Aram ko na gutom na kamo, pero bago kita magkaraon, mangadyi ngona kita. Pasalamatan natin ang Diyos sa mga biyayang ibinigay niya sa atin. Sinong naka-tokang mag-pray ngayon?" tanong nito.

Sabay na tinuro nila Sam at RJ si Alvin. "Si Kuya Alvin." Wala nang nagawa si Alvin kundi ang sumunod.

---

KINABUKASAN nang alas nueve ay sinama nga ni Paeng ang mag-lola sa kanilang simbahan. Sa isang maliit na Christian church sila dinala ng mag-asawa.

Inihatid muna ni Helga ang tatlo sa Sunday School Room ng mga kabataan. Naabutan nila na nagsisimula na noon ang klase. Nang malapit na sila sa may pinto ay lumabas ang isang batang pastor. Ipinakilala naman kaagad ni Helga ang tatlo sa pastor. Kinamayan naman sila nito at pinatuloy na.

Sa loob ng kuwarto ay may humigit kumulang dalawampung kabataan ang nakaupo. Karamihan sa mga ito ay mga kababaihan. Laking gulat ni Alvin at ng kaniyang mga kapatid nang makita nilang naka-upo sa ikatlong row si Juliet. Nakilala rin niya ang katabing si Nica. Ngumiti si Nica sa kaniya at sa dalawa pang kapatid nito habang sinisiko niya si Juliet. Hindi pinansin ni Juliet ang pinsan sa pangungulit, sa halip ay inilihis nito ang tingin patungong bintana.

Habang nakatayo ang tatlo ay isa-isang ipinakilala ng Youth Pastor ang kaniyang mga estudiyante. Tumayo ang mga ito pagkatapos tawagin ang kani-kanilang mga pangalan.

"Siya naman si Juliet, balikbayan galing Japan. Dati na siyang nagsisimba dito kasa-kasama ni Lola Martha." Hinintay ng pastor na tumayo si Juliet ngunit hindi ito tumayo. Wala itong binigay na reaksiyon sa halip ay yumuko at nagbuklat ng Biblia na nasa armchair niya.

"Ang suplada naman ni Sis Juliet!" sigaw ng isang lalaki.

Inangat ni Juliet ang kaniyang ulo. "Ay sorry po, Pastor Charlie. May binabasa lang po ako." Napatingin na lang ito sa tatlo.

Nahihiya man ang tatlo ay napilitan silang batiin si Juliet kahit na bigla na lang ulit itong yumuko. Pagkatapos nito ay pinaupo na ang tatlo sa mga bakanteng upuan na nasa unang row.

Laking pasasalamat ni Alvin dahil sa wakas ay marerelax na niya ang kaniyang sarili. Ilang minuto na kasi silang nakatayo at pinagtitinginan habang nangangatog ang mga tuhod nito sa kaba. Walang kamalay-malay si Sam at RJ sa nangyayari sa kaniya dahil panay ang obserba ng dalawa sa bagong paligid at sa mga iba pang kabataan.

His Lola's Girl (#onceuponajollibee)Where stories live. Discover now