Chapter 4 -Joy Ride

1.5K 32 0
                                    

KINAUMAGAHAN, naisipang sumama ni Alvin sa pamamasada ni Paeng dahil wala naman siyang gagawin buong maghapon sa bahay. Pumayag naman si Paeng kaya bago mag-alas otso ay nakaalis na ang dalawa.

Naaliw naman si Alvin habang sila ay namamasada. Walang gaanong pasahero ng mga sandaling iyon kaya maluwag ang kalsada. Dire-diretso lang ang kanilang biyahe dahil hindi na kailangan pang pumila para kumuha ng mga pasahero.Tamang-tama rin naman ang patakbo ni Paeng ng kaniyang jeep.

Napansin ni Alvin na madamidaming jeep sa rota na kanilang dinadaanan. Ang sabi pa sa kaniya ni Paeng, dati daw ay hindi ganito karami ang mga jeep na bumibiyahe sa kanilang rota. Ngayon kasi ay marami na ring mga bagong lusutang kalsada kaya dumamai na sila. Minsan pa nga ay nagkakatrapik na rin sa ibang parte lalo kapag may pasukan.  Napag-alaman niya na may tatlong distrito ang Albay at karamihan ay dumadaan ito sa kanilang rota. Ang rotang Legazpi-Daraga ay hindi naman ganoon kalayo. Wala rin masyadong polusyon, di katulad ng ka-Maynilaan, pero may mangilan-ngilang sasakyan ang nagbubuga ng maiitim na usok,

Sa una nilang ikot ay nahirapan si Alvin sa pagkuha ng bayad at pag-abot ng sukli ng mga pasahero. Nakakangawit din daw pala. Tinuturuan pa siya ni Paeng sa pagsukli nito.  Noong una ay nahirapan ito magkuwenta at pagkaminsan ay namamali siya ng kaniyang pagbarya. Mabuti na lamang at maynagsassauli ng sobra. Sa pangalawang ikot nila ay unti-unti na itong natututo at bumibilis na rin siya sa pagbarya. Unti-inti na rin niyang nakakabisado ang daan ng kanilang biyahe.

Sa kanilang ika-tatlong balik  papuntang Legazpi, banadang kalagitnaan ng kanilang biyahe ay may sumakay na dalawang  dalagita. Naupo ang dalawa malapit sa likod ni Alvinkahit na maluwag pa ang upuan. 

"Bayad tabi, duwang Legazpi," ani ng babae na nasa likod ni Alvin. Inabot nito ang isang limampung pisong papel. Pag-lingon ni Alvin ay bigla itong kinabahan. Si Juliet pala ang kanilang pasahero. Maging si Juliet ay namilogi ang mga mata nito kaya bigla niyang binitawan ang pera.

Nang susuklian na ni Alvin ang babae ay nakilala niya ang pasahero. "Paki balik mo na lang yong binayad sa atin ni Juliet, " utos ni Paeng. "Kapit bahay natin siya."

"Naku, huwag na po Tiyo Paeng. Dalawa po kasi kami," nahihiyang sabi nito.

"Sige na Alvin,  ibalik mo na ang pera niya."

Kinuha nga ni Alvin ang pera. Pagkaabot nito ay hindi sinasadyang nahawakan nito ang palad ni Juliet. Bigla namang tinaboy ni Juliet ang kamay ni Alvin.  Nakita pa niyang inirapan siya ng dalagita.Napasimangot si Alvin kaya tumingin na lang ito sa unahan. Walang kamalay-malay si Paeng dahil nakatingin lang ito sa kalsada. 

"Wow! Ang guwapo po ng kunduktor niyo, Tiyo," sabi ng kasama ni Juliet.

"Guwapo raw?" bulong ni Juliet.

Nagbulungan pa ang dalawa, ngunit hindi naman ito naiintindihan ni Alvin. Naririnig niya na nagtatawanan ang mga ito.

"Saan ka ba galing? " tanong ni Paeng.  "Si Alvin pala, Makuapo ng kapatid ko.  Nagbabakasyon sila dito galing Manila." Lumingon naman si Alvin kay Juliet at kahit na naiinis ay ngumiti ito ng pilit.

"Labot ko," marahang sagot ni Juliet. Nakita niyang nakatingin sa kaniya si Paeng kaya napangiti din ito ng pilit kay Alvin.  Nagpatuloy ito, "A, e, nakitulog po ako sa bahay ng pinsan ko sa Daraga. Nakakalungkot po kasi sa bahay. Wala kasi akong maka-usap."

"A...condolence pala," pahabol ni Paeng. Tumango naman si Juliet. "Sayang, dae na si Lola mo. Mabuuton pati si Tiya."

"Iyo ngani po.," ani Juliet. Batid ang lungkot sa boses nito.

Nang makita ni Paeng ang apat na pasahero at bigla itong huminto. Sa sobrang pagkabila ay nabunggo ng kanang balikat ni Juliet ang ulo ni Alvin. Napahawak sa ulo si Alvin.

His Lola's Girl (#onceuponajollibee)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon