Chapter 8 - Broom! Broom!

1K 22 0
                                    

AKALA ni Alvin ay papagalitan siya ni Julio nang maabutan silang nagkakantahan ni Juliet, sa halip ay pinauwi na ito dahil gabi na at nais na nilang makapagpahinga.

Sa sobrang saya ni Alvin sa nagdaang araw na iyon ay hindi agad ito nakatulog, paikot-ikot tuloy ito sa kaniyang higaan. Kapag naiisip naman niya na malapit nang umuwi si Juliet ay may kaunting kurot siyang nararamdaman. Kung puwede nga siyang makahiling sa Diyos na haba-habaan pa ang pagbabakasyon ni Juliet para mas maksama pa niya ito ng matagal at magkalapit pa sana sila, ngunit alam niyang hindi na ito mangyayari.

Sa kakaisip niya sa dalaga ay nakapag-isip tuloy ito ng plano kung paano niya mapapasaya ang birthday party ng dalaga. Una niyang naisip ay kutsabahin ang pinsan nitong si Nica. Gagawa sila ng programa, isang surpresa na ipapalabas nila sa araw ng party. Kinuha nito ang kaniyang cellphone at ti-next si Nica. Mabuti na lamang at nakuha niya ang mga cellphone numbers ng magpinsan.

Laking tuwa naman ni Nica nang malaman nito na imbitado siya ng pinsan at nais pa nitong tumulong sa party ni Juliet. Sinabi naman sa kaniya ni Nica na may inihandang surpresa din ang kanilang simbahan. Bibigyan daw ng tribute ang yumao nitong Lola Martha handog pasasalamat sa mga na-ikuntribo nito sa mga gawain ng kanilang simbahan.

Tinanong ni Alvin kung meron pa silang iba pang gagawin. Sinagot naman ito ni Nica na wala na dahil gahol na sila sa oras. May mga parlor games na nakahanda na, ngunit sagot na raw ito ng staff and crew ng Jollibee. Hindi naman makapaniwala si Nica nang sabihin ni Alvin na may pinaplano siyang gawin para kay Juliet. Marami pa sanang gustong sabihin si Alvin ngunit dahil dis-oras na nang gabi ay napagkasunduan na lang nila na magkita sila sa susunod na araw para mapag-usapan nila ang pinaplano ni Alvin.

Kinabukasan nang hapon ay nakipagkita si Alvin kay Nica sa Pacific Mall sa food center. Naunang dumating si Alvin at ilang minuto lang ay dumating na rin si Nica. Abot tainga ang ngiti ni Nica nang makita niya si Alvin. Bumili muna sila ng siomai, french fries, at iced tea.

"Grabe, parang mas excited ka pa kay Juliet, bro!" Siniko pa nito si Alvin. "Mukhang may tama ka na ata sa pinsan ko?" biro ni Nica habang papaupo sila sa bakanteng mesa at dala-dala ang binili nilang pagkain.

"Wala, gusto ko lang makabawi sa nangyaring sigalot sa amin," sagot ni Alvin.

"Sus! Deny to death ka pa diyan, e, kitang-kita nga namin kayo na nagyayakapan kahapon. Buti nga hindi kayo nakita ng mga kasamahan namin. Naku, kundi..." pabirong sabi ni Nica.

"Natumba nga kasi siya, kesa naman hayaan ko na lang siyang matumba sa sahig."

"Biro lang! Ang seryoso mo naman." Humigop muna si Nica ng iced tea. "P'wede ka bang matanong?" Tumango si Alvin habang ngininguya ang siomai. "May girlfriend ka na ba sa Manila?"

"Wala akong girlfriend? Bakit?"

"Maniwala ako. Yang hitsurang yan?"

"I want to finish my studies, kasi. Dalawang taon na lang maga-graduate na ako."

"A...Anong course?"

"Architectural Engineering. Mahirap nang makipag-commit kasi pahirap nang pahirap yong course namin. Ikaw, anong course mo pala?"

"Entrepreneurship. May tindahan kasi kami. Gusto kong pang lumago ang business namin. Pero, nagka-girlfriend ka na?" pahabol na tanong ni Nica.

"Wala. Hanggang crush lang ako," nahihiyang sagot ni Alvin.

"Hindi nga?" pausisang tanong nito. "Torpe ka siguro?"

Dahil nakukulitan na si Alvin, "Huwag na nga nating pag-usapan ngayon ang personal kong buhay."

His Lola's Girl (#onceuponajollibee)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon