Chapter 2 - Usiserong Alvin Ini

2.3K 39 1
                                    

MAKALIPAS ang labing-limang minuto ay nasa tapat na sila ng bahay nila Paeng at Helga. Sa isang baranggay malapit sa centro ng Legazpi naninirahan ang mag-asawa. Bagamat dikit-dikit ang mga bahay doon, may kani-kaniya naman itong bakod. May mga bahay na magagara, mayroon ding gawa sa simpleng materyales. Tahimik ng mga oras na yon, maliit lang ang kalsada, ngunit malinis , ni halos walang mga sasakyan maliban na lang sa paisa-isang tricycle na pumapasok.  

Iginilid muna ni Paeng amg kaniyang jeep at nag-uusap muna ang mag-asawa habang hinihintay makababa ang kanilang mga bisita. Hindi na muna ito bababa dahil mamasahe pa raw ito.

Pagkababa ni Nacion, "Hay naku, akala ko katapusan ko na. May mga kaskaserong driver din pala dito sa probinsiya?"

Paparating naman si Helga. "Hiningal ka ata, Naz? Ay, oo nga pala, kaka-opera mo lang sa puso. Hayaan mo pagsasabihan ko si Paeng na magdahan-dahan sa susunod," anito habang hinihimas-himas ang likod ni Nacion. "Pasensiya ka na sa Manoy mo na yan."

"Naku, ok lang ako. H'wag mo nang sabihin yon sa asawa mo.  Nakakahiya naman."

"Kesa naman atakihin ka na lang diyan sa puso. Kami kasi nasanay na lang. Ganoon lang siya pag maluwag ang kalsada. Hindi ko naman siya masaway kasi lalo lang 'yon nag-aaburido ."

"Naiintindihan ko."

"Tara na sa loob nang makapagpahinga na kayo," yaya ni Helga.

Kitang-kita sa labas ng gate ang kongkretong bahay nila Paeng na bungalow style. Pumasok na sila sa gate na gawa sa bakal na pininturahan ng itim. May marka ito ng 220 Llamado's Residence.

Si Raphael Llamado ay ang panganay sa limang magkakapatid ng yumaong asawa ni Nacion,  na si David. Pangatlo naman ang kaniyang asawa.

Pagkapasok nila sa gate ay diretso na itong garahehan na may bubong. Sa dulo nito ay ang pintuang gawa sa Narra. Ang harap ng bahay naman ay hindi pa nasesemento ng malinis.

"Pasensiya na kayo at di pa tapos ang bahay namin. Ipapa-tiles pa nga namin itong harapan. Ipinatigil ko muna, kasi parating kay." Napansin din ng mag-lola ang mga construction materials na nakatambak sa tabi. May mataas na bakod gawa sa hollow-blocks ang buong paligid. 

"Ang cute nga nga mg bahay niyo." Napansin din ni Nacion ang mga tanim sa isang gilid at ang ilang drift wood na may nakakabit na mga orchids na may mga bulaklak. "Buti ka pa, may mga orchids," sabi ni Nacion.

"Pinagtutulungan namin itong mag-anak. Yong orchids, lagi kasi akong binibilhan ni Paeng. Namatay nga yong iba dahil sa alikabok ng semento," ani Helga habang sinusian ang pinto. Pagkabukas nito, "Dagos na kamo," sabi nito na may ngiti sa mga labi.

Pagkapasok nila ay bumulaga ang isang maaliwalas na sala tagos nang kainan. Puting granite ang kabuuan ng sahig at bagong pintura ang mga dingding ng kulay gatas.

Walang gaanong dekorasyon ang bahay maliban na lang sa mga litrato nilang mag-anak. Nakasabit din sa may dingding ang litrato ng tatlong anak nito nang naka-toga, isang babae at dalawang lalaki. May flat screen tv na katamtaman ang laki at stereo component din sa may sala. Makikita rin ang tatlong maliliit na kuwarto, isa malapit sa may sala, at ang dalawa sa may kainan.

Sa mesa ay may nakahandang meriendahan. May banana cue na natatakpan ng dahon ng saging, ibos, at ilang pakete ng chocolate drink at 3-in-one coffee. Mayroon ding sliced bread na nakalagay  pa rin sa plastic at sandwich spread.

"Hinanda na namin ito ni Paeng bago kami umalis. Wala kasi kaming katulong. Kami lang naman dalawa dito ni Paeng," sabi ni Helga habang inaayos ang hapag.

Naikuwento rin ni Helga kung nasaan ang mga anak nito. Ayon dito, ang panganay niyang babae ay nasa Dubai, nakapangasawa ng Arabong Kristiyano, at may tatlong anak ito. Ang pangalawang naman ay seaman, at nasa Batangas ang asawa na sa kasalukuyan pitong buwang buntis sa pangalawa. Ang ikatlong lalaki naman ay isang binatang ama, nagtatrabaho sa isang hotel sa Naga. Natawa pa ito nang maikuwento niya.

His Lola's Girl (#onceuponajollibee)Where stories live. Discover now