Chapter 1: The Kiss

30.4K 582 62
                                    


GLAIZA's POV

After 2 years, nakabalik na ulit ako ng Pilipinas, gusto ko kasi dito ituloy yung pag cocollege ko, para naman makalimutan ko yung taong nanakit sa akin ng sobra. Sa sobrang sakit ng ginawa niya, lahat binago ko sa sarili ko, itsura ko pati na rin pag-uugali ko, para maiwasan na lapitan ako ng mga tao sa paligid ko. Dahil ayoko ng magamit, at ayoko ng masaktan. Siguro tama na yung isa. Hindi ko na kailangan dagdagan pa.

I am Glaiza De Castro Galura, isa sa pinakamayaman dito sa Pilipinas,. The only child and heiress of Galura Company. Sa pagbabalik ko ng Pilipinas, I hope it will be the best. Sana dito ko na din makilala ang taong, mamahalin ako, at aalagaan, at hindi lolokohin at hindi paglalaruan

~

Nakalapag na ang eroplanong sinasakyan ko, and any minute makikita ko na sila Mom and Dad. Medyo kinakabahan ako, dahil hindi ko alam kung anong magigingreaksyon nila kapag nakita akong ganito, nakita nila na naging nerd na ang nag iisa nilang anak. Kahit alam nilang iba ang sexual preferrence ko, gusto pa din nila na maayos ang tingin sa akin ng iba, presentable ika-nga. Mahal ako ng mga magulang ko, dahil tanggap nila kung ano at sino ako. Kaya malaya akong lumabas and to explore the world. Hindi ko namanayan na kanina ko papala tinitignan sila Dad. Namiss ko sila.

"Mom! Dad! I've miss you guys!" Sabay halik sa aking mga magulang at niyakap ko din ang mga ito. Hindi ko maipinta sa mukha nila ang kanilang reaksyon nung nakita ako, lalo na ang nanay ko na sobrang fashionista, pati tuloy ako natatawa sa itsura nila.

"Anak, anong nangyari sayo? Bakit naka tak-in ka? Bakit ka nakasalamin? Hindi ka naman ganyan anak. You are so beautiful, kaya maraming babae ang nagkakandarapa sayo" usisa ng nanay kong napakasupportive, tinawanan ko na lang yung mga sinasabi niya.

"Hay! Kayo talagang mag ina,. Grabe kayo ah. Pero cha, please explain your looks?" tanong sa akin ni dad, sa ngayon hindi ko pa sila masasagot, I just smile that him.

"Dad, Mom, tara na, I am so hungry! And I am so tired, 16 hours ba naman ang byahe from Europe from Philippines, my gosh." Agad naman sumunod sa akin ang parents ko, at umuwi na kami.

Habang nasa byahe, hindi ko maiwasang hindi makinig ng music, isa kasi to sa mga nagpapagaan ng loob ko kasi hindi ko pa rin talaga makalimutan ang sakit, ang kirot na ginawa niya sa akin, she abandoned me when I needed her most. I gave it all to her, but she just left me alone. Hindi ko nga alam kung ano ba talaga ang nagawa ko, at basta basta na lang niya akong iniwan. Hindi pa ba ako sapat?

Sa gitna ng pag iisip ko hindi ko namalayan nasa bahay na pala kami. Ganito pa din ang ayos, halos walang pinagbago, malaki ang bahay namin, parang mansion na nga ito eh, napakasimple lang ng mga designs, syempre simple lang din naman kami, kahit marami kaming katulong at katiwala, tinuturing namin silang pamilya, yun kasi ang sabi sa amin ng lolo ko. Kaya hanggang ngayon, dala dala ko.

Nasa dining area na kami at kumain.

"So anak, bakit mo naisipang bumalik? Is there anything wrong?" Tanong sa akin ni dad,.

" Wala naman po dad, I just decided to continue my studies here, so that after college, I can directly work to our company and besides, gusto ko kayong makasama ni Mom, hirap kayang mag isa dun" which true naman, beside, andito yung bestfriend kong si Chynna, magkakasama na kami. Sabay sa kakulitan, at sabay sa paghuhunting.

" Well kung sabagay tama ka nga naman anak. And by the way kamusta kayo ni So." pero bago pa mabuo ni mom yung buong pangalan niya, I just stop her. Ayoko na talagang marinig ang pangalan na yan, ang taong sumaksak ng puso ko, ang taong minahal ko ng lubusan pero sasaktan lang ako.

" Wala na kami Ma 1 year ago pa, and please kung pwede, huwag na nating pag-usapan." They just nod and continue eating. Natahimik na lang yung dalawa, alam kong nabigla sila, kasi ang tingin sa amin, perfect couple, we had a perfect realationship, pero mali sila. Yun lang ang tingin nila sa amin, masadong perfect, kaya din siguro nasira yung relasyon namin dahil na din sa preassure.

A.K.A. Neerdy GIRLFRIEND (COMPLETED) Where stories live. Discover now